MANILA, Philippines - Hinahagilap agad ni Mario Dumaual ng TV Patrol si Ma’am Malou Choa Fagar matapos pag-usapan sa meeting Professional Artist Managers, Inc. ang sumbong ng member nilang si Popoy Caritativo, ang dating manager ni Marian Rivera.
Kagagaling lang sa Hong Kong ni Ma’am Malou last Wednesday night kasama ang Eat Bulaga Dabarkads kaya nu’ng Huwebes niya idinaos ang weekly chikahan ng grupo niyang Wednesday Club.
“Ay, I have nothing to do with Marian’s transfer! Kaya wala akong mabibigay na comment tungkol diyan,†rason ni Ma’am Malou.
To be fair with Ma’am Malou kahit na nga identified sila ni Mr. Tony Tuviera sa showbiz, wala siyang alam o kinalaman sa pag-alis ni Marian sa poder ni Popoy. The day na nag-announce si Marian na wala na siya sa management ni Popoy, pinutakti siya ng text at missed call sa phone niya.
In fact, kahit anong pilit niya sa staff ni Mr. Tuviera na alamin kung ano ‘yung announcement na pinag-imbita niya, wala siyang nakuhang sagot mula rito. That same day lang ng pahayag ni Marian ang balita.
Kaya sa gustong makakuha ng pahayag kay Ma’am Malou regarding the issue ay huwag nang mangulit dahil wala siyang katiting na idea tungkol sa hiwalayan issue, huh!
Still on Marian-Popoy issue, malakas diumano ang sapantaha ng manager na may kinalaman ang boyfriend na si Dingdong Dantes sa desisyon ni Marian na umalis na sa poder niya.
Napansin daw ng manager ang ilang pagbabago sa ugali ng alaga pagkadating ng Japan kung saan kasama niya si Dong na nagbakasyon. Ang bilis daw kasi ng pangyayari at ni hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Yan Yan na idipensa ang sarili, huh!
Diumano, may kinalaman ito sa balak ng dalawa na magpakasal ngayong December. Tutol si Popoy sa balak ni Marian. Wala rin daw siyang amor diumano kay Dong. (Tito I’m sure knows mo naman ang the truth and nothing but the truth. Nakakabaliw din ang katotohanan. Hahaha. – SVA)
Dick Gordon ayaw gawan ng pelikula ang buhay
magulang kaya wala pa sa isipan ng senatoriable na si Dick Gordon gaÂwing pelikula ang kanyang buhay. Sa ginawa kasi niyang libro, kasama doon ang kanyang mga magulang.
“At ayokong sabihin na ginawa ko lang ‘yon for political purposes! Because pag binasa mo ang libro, ‘Ay ginawa niya ‘yan kasi panahon ng pulitika, di ba?
“Payag naman akong gawing pelikula. Sinulat ko na nga eh.
“’Yung buhay ko mas colorful kahit na kanino. May disaster, may assassination attempt. Merong labanan sa pulis, shoot…as mayor. May struggle sa nature. Earthquake!†pahayag niya sa presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde.
Sa totoo lang, matalino at malawak na ang karanasan ni Gordon sa pulitiko. Tumakbo na rin siya sa presidential election pero hindi pinalad. Kaya gusto niyang magbalik sa senado upang ipagpatuloy ang kanyang gustong ipaglaban!