Tatlo ang leading men ni Eula Caballero sa bago niyang serye na Cassandra: Warrior Angel – Albie Casino, Victor Silayan, and JC de Vera.
Sa presscon ng said fantasy series recently ay natanong namin ang young actress kung paano niya ide-describe ang tatlo.
“Si Albie, he’s very generous in terms of his time, kasi nun’g nagkaroon ako ng event once, ako lang mag-isa. I was really shocked na nandu’n siya, pumunta siya to support me coz the event was for Cassandra rin naman. So he was there to support me.
“And then, aside from being generous of his time, he’s very generous of his experiences. Of course, I wouldn’t expect him to open up to me, what he has gone trough.
“Pero he’s very open to me. I think, it’s an effort for him to do that kasi ako po siguro, pag mga bagong kakilala ko lang, I wouldn’t even share a part of me that’s very sensitive.
“I actually didn’t ask, but I think he is really comfortable with me na rin siguro. It’s not that really sensitive, it’s something that mga bagong kakilala wouldn’t share.
“So, I was shocked and parang napakabait niya, mapagbigay siya ng oras, ng mga experiences niya, and I love listening to him, ang dami kong natututunan sa kanya and because, siya rin mismo, isa siyang taong maraÂming naÂtutunan na rin from his past experiences,†pagde-describe ni Eula kay Albie.
Si JC naman daw ay very smart at alam na alam daw ang ginagawa.
“Kung baga, professional siya in acÂting. He knows when to raise his voice, ‘yung timpla ng boses, timpla ng emotions, alam niya kung kelan siya magbibigay for me kasi of course, kailangan bigayan, hindi kayo puwedeng maglamuÂnan sa eksena or else, bababa ‘yung eksena.
“I love how he is very sensitive of me. Meron kaming mga eksena na maiikli ang linya ko pero todo-iyak ako habang siya, ang hahaba ng mga lines niya. Talagang sinaulo niya muna. Sabi niya, “Eula, sorry, okay lang ba, mag-motivate ka muna habang mine-memorize ko to, kasi ayokong mag-cut tayo nang mag-cut, baka mamaya mabitin ka dahil nakalimutan ko ‘yung lines ko’. He’s very smart at ‘yung voice acting pa lang niya, very believable.
“Ang galing-galing niya, very intelligent, with how he shares sa kanyang mga experiences, with everything. Alam niya talaga ang mga diskarte niya sa buhay niya. He knows what he’s doing.â€
And si Victor?
“Si Victor naman, I see him as someone who is very independent knowing that he came from a very rich and established family. He works so hard. ‘Yung tipong pag nasa set kami, in between takes, uupo agad ‘yan, kukuha ng laptop, gagawin niya ang lahat ng mga assignments niya,†kuwento ni Eula.
Graduating na rin kasi si Victor at sabi nga ni Eula, minsan ay naaawa na raw siya sa kapareha dahil nga nakikita niya ang pagsisikap nitong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.
“Sobra, he’s very hardworking,†she said.
Aminado rin si Eula na medyo pressured at kaÂbado siya sa pagsisimula ng Cassandra on May 6 dahil first biggest serye niya ito ever pero nakita naman daw niya ang hirap ng buong production para lang lumabas na maganda ang resulta ng serye.
Wansapanataym pinarangalan na naman
Muling tumanggap ng pagkilala ang top-raÂting fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na WanÂsapanataym kamakailan matapos itong paÂrangalan bilang Best Children’s Program sa ginanap na 21st Golden Dove Awards sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).
Ito ay isa na namang karagdagan sa mga paÂraÂngal na natanggap ng Wansapanataym mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Catholic Mass MedÂia Awards (CMMA), PMPC Star Awards for TV, at ng National Commission on Culture and Arts.