Maging si Kris Aquino pala ay addict din sa game na Candy Crush, isang game na puwedeng laruin sa Facebook, iPhone, iPod, iPad, and android phones. Milyun-milyon na nga ang naa-addict dito at maging ang mga artista talaga ay ito ang paboritong laruin ngaÂyon.
Anyway, sa Kris TV episode ni Kris last Monday ay inamin niya na addicted na rin siya sa nasabing game at nakakagastos na siya ng $300 sa kabibili ng “lifeâ€.
Gusto na nga niyang i-delete ang application na ito sa phone niya para hindi na siya gumastos pa.
“‘Yung sa iTunes, I want to stop. Lord, I want to stop. It’s an addiction. Pinagtatawanan ko lang dati si Deo (Endrinal) na more than $1,000 ang nagastos sa kakabili ng buhay. Kina-calculate ko, nakaka-$300 na ako, awat na. Buburahin ko na ‘yon talaga,†sabi ni Kris.
Pero proud din naman niyang ikinuwento na sandali pa lang siyang naglalaro and yet mataas na agad ang level niya.
“In fairness sa akin, mga three weeks pa lang akong naglalaro, nasa level seventy seven na ako. I think it’s a big deal but my sister Pinky, my God, natapos niya ‘yung 270 something ’tapos na-download niya na ‘yung dagdag. Addict talaga, na-addict talaga.
“Eh may achievement ka talagang napi-feel. I was with Juan Sarte. He was stuck at level thirty three. So, feeling ko ang galing-galing ko na nandito na ako sa seventy plus. Pero ang laki-laki na nang nagastos ko kaya tama na. Kasalanan na,†say pa ng TV host/actress.
Natawa na lang kami.
Luis gustong maging mabuting ina muna si Jennylyn
Maingay na maingay ang balitang ikakasal na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano pero last Sunday, sa The Buzz ay nilinaw ng actor/TV host na kapipirma niya lang ng kontrata sa ABS-CBN which means mukhang malaÂbo pa talaga ang sinasabing kasalan na ’yan.
Pero aminado naman si Luis na he’s not getting any younger (he just turned 32) and settling down is something that he wants to happen in the near future.
“Alam ko na doon na ang susunod na patutunguhan. Ayaw ko nang magsayang ng oras,†say ni Luis.
Pero naiintindihan din naman niya ang sitwasyon ni Jen na more than being a wife, mas gusto nito munang maging isang mabuting ina sa anak nitong si Alex Jazz.
Parehong napakaganda ng career ngayon ng dalawa kaya kami man, feeling namin ay talagang hindi pa nila maiisip na magpakasal at this point in time.
Si Luis ay may tatlong shows sa ABS-CBN samantalang si Jen naman ay may dalawang shows sa GMA 7. Showing na rin today ang movie ng aktres na The Bride and the Lover with Lovi Poe and Paulo Avelino under Regal Entertainment, Inc. mula sa direksyon ni Joel Lamangan.