May offer na show kay Alfred Vargas ang isang major TV network. Hindi ko matanggap ang project dahil busy pa si Alfred sa pangangampanya sa 5th District ng Quezon City.
Tatanungin ko muna si Alfred kung type niya ang role at ang project. Magsisimula ang taping ng show pagkatapos ng eleksiyon. Sa tingin ko, uunahin muna ni Alfred na magpapayat bago siya umarte uli sa TV. Nadagdagan ang timbang ni Alfred dahil sa kampanya. Pinagbibigyan niya ang lahat ng nag-aalok na kumain siya sa kanilang mga tahanan. Hindi makatanggi si Alfred dahil masasarap ang mga pagkain na inihahain sa harap niya.
‘Ayokong mag-rejoice ang mga gaka’
Invited ako sa tatlong presscon ngayon pero dalawa lang ang pupuntahan ko dahil hindi ko pinangarap na ma-stress out ’no?!
Siyempre hindi ko puwedeng sabihin kung saan ang venue ng mga presscon or else magre-rejoice ang mga gaka. Ayokong ako ang maging dahilan para ma-trauma ang nag-imbita sa akin.
Ryzza mas malaki pa ang maleta sa kanya
Tama ang report ko na kasama si Ryzza Mae Dizon sa mga host ng Eat Bulaga na nagbakasyon sa Hong Kong courtesy of Vic Sotto.Nakita ko ang litrato ni Ryzza habang nasa airport. Nakakaloka ang bagets dahil mataas pa sa kanya ang maleta na dala nila ng nanay niya.
Excited si Ryzza sa pagpunta sa Hong Kong. First time niya na lumabas ng bansa at magkikita pa sila ng kanyang mga favorite Disney character dahil kasama sa itinerary nila ang pamamasyal sa Disneyland.
Nag-advance taping si Ryzza Mae para sa The Ryzza Mae Show bago siya lumipad sa Hong Kong. I’m sure, ipapakita sa future episodes ng The Ryzza Mae Show ang pagrampa ng bagets sa Hong Kong.
At huwag n’yo na akong tanungin kung kasama si Pauleen Luna sa Hong Kong. Siya pa ba ang maiiwan eh birthday treat nga ‘yun para kay Bossing? Hindi naman first time nina Pauleen at Bossing na lumabas ng bansa. Marami na silang mga travel outside the Philippines.
Daragang Magayon tagumpay
Congrats sa winner ng Mutya ni Daragang Magayon Festival, si Luvelle Bitara mula sa MaÂlilipot, Bicol.
Kinoronahan si Luvelle noong Sabado ng gabi at tiyak na mapapanood sa TV ang kanyang tagumpay dahil nandoon ang TV crew ng ABS-CBN. ProÂject ni Albay Governor Joey Salceda ang Mutya ni Daragang Magayon na pinaka-climax ng Daragang Magayon Festival na nagsimula noong April 1 at natapos noong April 29.
Isang buwan ang itinagal ng Daragang Magayon Festival at sa tantiya ko milyun-milyong piso ang ginastos ng pamahalaan ni Papa Joey. Successful ang Daragang Magayon Festival 2013 dahil dinayo ito ng mga turista kaya lalong naging popular ang mga bonggang attraction sa Albay.