MANILA, Philippines - Biggest winner ang indie movie na Bwakaw sa naganap na 10th Golden Screen Awards for Movies ng Entertainment Press Society (Enpress). Nag-uwi ito ng best motion picture–drama, best actor–drama kay Eddie Garcia (naka-tie si Alfred Vargas sa Ang Supremo), best director kay Jun Lana, at iba pang technical awards.
Tinalo naman ni Gina Alajar ang siyam na kalabang nominado para sa maantig na performance niya sa Adolf Alix, Jr. movie niyang Mater Dolorosa. Sa kanyang acceptance speech, ibinahagi niya ang kanyang award sa mga kapwa nominado.
Natikman naman ni Regine Velasquez ang maÂging best actress–comedy or musical sa performance niya sa pelikulang Of All the Things. Hindi siya makapaniwalang mabibigyan ng recognition ang kabaliwang ginawa niya sa movie.
Eh ang kapareha niya sa movie na si Aga Muhlach ang best actor–musical or comedy pero wala ang aktor dahil busy sa kampanya. Nang tanggapin ni Regine ang award ni Aga, biro niya, papalitan na lang niya ang pangalan sa trophy ng name ng asawa niyang si Ogie Alcasid. Nominado rin kasi si Ogie sa kategoryang ‘yon pero tinalo siya ni Aga.
Winner naman sa kategoryang best motion picture–musical or drama ang I Do Bidoo Bidoo. Tanging si Tippy Dos Santos ang nanalo sa mga artistang nominado sa movie bilang breakthrough performance by an actress–comedy or musical. Bukod sa pagtanggap ng award, nag-duet sila ng nominado ring si Sam Concepcion ng Panalangin.
Si Sef Cadayona naman ang baguhang aktor na hinirang para sa nasabing award dahil sa akting niya sa Gayak.
Maluha-luha naman si Kristoffer Martin nang tanggapin ang unang acting award bilang best supporting actor para sa movie niyang Oros. Si Anita Linda naman ang winner ng best supporting actress pero hindi siya nakarating dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya.
Mother Lily tinanggap ng personal ang award kahit ’di pa masyadong magaling
Kinantahan ni Christian Bautista sina Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Ara Mina, Iza CalzaÂdo, at Cherry Pie Picache na binigyan ng Dekada Awards: Gallery of Distinction ng Enpress. Ang ganÂda nilang tingnan sa stage na magkakasama sa isang okasyon.
Nakakataba ng puso ang presence nilang lahat sa Golden… upang personal na tanggapin ang kanilang tropeo. Absent nga lang sina Eugene Domingo na nasa Italy at Zsa Zsa Padilla na may show sa Cebu. HinÂdi nga lang dumating ang ipinangako ni Zsa Zsa na ang isa sa anak ang tatanggap ng kanyang recognition. Pero hindi naman siya naging kakulangan nung gabing ’yon.
Kumpleto sana ang mga aktor na Dekada Awardees kung hindi umalis si Tirso Cruz III na merong commitment sa Batangas. Pero nag-present muna si Pipo at anak na si Djanin ng unang set of awards at ang anak na si Bodie ang nag-represent sa kanya.
Suwabeng-suwabe ang kaguwapuhan ng mga Dekada actor na sina Coco Martin, Dennis Trillo, at Sid Lucero. Halos gahasain nga sila ni John Lapus sa stage na nagsilbing host ng programa. Representatives lang ang nagpunta kina Malou Santos at Tony Tuviera na Dekada Awardees din. Absent si Direk Jeffrey Jeturian at na-late ng dating si Atty. Joji Alonso.
Kahit hindi pa masyadong magaling, tinanggap ni Mother Lily Monteverde ang kanyang Gawad Lino Brocka Achievement Award. Thank you very much, Mother!
Siyempre pa, naging masigla ang Golden… dahil sa kabaliwan sa stage ni Sweet. Ilang beses na naman siyang nagpalit ng gown. Kaso naubusan siya ng dalang gown kaya nung patapos na ang bigayan ng awards, nakatapis na lang siya at nakabihis panligo na lang!
Mula sa Enpress, congratulations sa lahat ng winners pati na ang artistang naging presentors, pati na sa aming writer na si Noel Ferrer at sa lahat ng sponsors ng 10th Golden Screen Awards for Movies!