Ang bilis palang lumaki ng ulo ng isang instant celebrity. Kung noong una ay humble pa at pinagbibigyan ang lahat ng may gustong imbitahan siya, ngayon ay may mga tao na humaharang ng mga imbitasyon at may presyo na ang kanyang bawat pagdalo.
Okay lang daw na gawin niya iyon sa ibang mga tao na ngayon lang niya nakilala dahil biglang sikat nga siya. Pero ang gawin na maningil sa mga taong tumulong at sumuporta sa kanya ay hindi naman katanggap-tanggap.
Mismong ang naka-discover sa instant celebrity na tumulong sa paghubog kung sino siya ngayon ay sinisingil niya ng “appearance fee†nang minsang imbitahan siya para maging isang hurado sa isang beauty contest.
Bukod sa appearance fee ay humiling pa ng hotel accommodation para sa kanya at sa kanyang entourage. At wala na raw motorcade dahil mapapagod lang siya.
Sumama ang loob ng ilang taong malapit sa naka-discover sa instant celebrity dahil alam nila ang naging pagod nito sa pagbenta noon sa kanya. Halos gumastos ng malaki ito para madamitan at mapaayusan lang ang celeb.
Ngayon ay may gana pa itong maningil at pati ang mga alalay ay kasama pa sa gagastusan niya.
Dahil nga sa mga hiling ng instant celebrity, hindi na ito kinuha pa ng kanyang discoverer kundi iba na lang. Isa ring discovery niya ang kinuha at mabilis na umoo. Wala pa siyang ibang ginastos at ang pang-gasolina lang ang hiniling.
Mabuti pa raw ang isang ito ay tumatanaw ng utang na loob. Hindi tulad ng instant celebrity na nagkapangalan lang ay umaasta ng reyna.
Pinapaalala lang niya sa instant celebrity na ang mabilis sumikat ang siyang mabilis malaos din kaya baguhin na ang pag-uugali hanggang maaga pa.
Gelli itinoka sa gag show ng mga bata
Tuwang-tuwa si Gelli de Belen nang kunin siyang host para sa bagong kiddie gag show ng TV5 na Tropang Kulit.
Beterana na si Gelli sa mga gag show dahil original nga siya sa Tropang Trumpo na pinalabas noong 1994 sa ABC-5 at naging part din siya ng Nuts Entertainment ng GMA 7 noong 2003.
“Na-miss ko ang mga gag show. Kilala n’yo naman ako. May pagkaluka-luka ako talaga. Masayahin lang akong tao kaya gusto kong nagpapatawa,†tawa pa ni Gelli.
“This time mga bata naman ang mga kasama ko. Mga makukulit pero very loveable silang lahat. First time ko to work with kids kaya ako’y excited para sa kanila.â€
Dating child actress si Gelli kaya alam niya ang pakiramdam ng isang bata na sumabak sa trabaho. Pero gusto niyang isipin ng mga ito na laro lang ang lahat.
“Naglalaro lang kaming lahat talaga. Saya-sayahan at walang seryoso muna. But of course, hindi maiwasan na may mga umiiyak, naiirita, nag-aaway — normal na sa mga bata ‘yan.
“Pero kami naman, we teach them good values at ang maging mabuting playmate sa bawat isa. We teach these kids na ituring nila ang bawat isa na kapatid nila,†ngiti pa niya.
Magkakasunod ang mga project ni Gelli sa TV5. Bukod sa Tropang Kulit ay siya rin ang co-host ni Marvin Agustin sa Karinderya Wars.