“Actually, ready ako na tanggapin ang trophy na ito para sa asawa ko,†say ni Regine Velasquez-Alcasid nang siya ang tumanggap ng trophy ni Aga Muhlach na siyang winner ng best performance by an actor in a lead role–musical or coÂmedy.
Nominated din kasi si Ogie Alcasid sa said category pero si Aga ang napili ng voting members ng 10th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. na ginanap sa Teatrino in Greenhills, San Juan City last Saturday, April 27. Star-studded ang awards night dahil bukod sa mga winner ay halos nakarating lahat ang mga Dekada winner. Expected nang hindi makararating si Aga dahil puspusan na ang kampanya nito bilang kandidato sa pagka-congressman sa Camarines Sur.
Napasabay naman sa awards night ang show ni Zsa Zsa Padilla sa Cebu City at si Eugene Domingo naman ay nasa Italy dahil in competition doon ang movie nilang I Do Bidoo Bidoo kaya hindi sila nakarating. Pero present sina Ara Mina, Cherry Pie Picache, Iza Calzado, Judy Ann Santos, Maricel Soriano, Coco Martin, Dennis Trillo, Sid Lucero, at Tirso Cruz III na umalis after mag-present ng award at nag-proxy sa kanya ang anak na si Bodie. Kailangan na kasi siya sa kampanya ni Gov. Vilma Santos sa Batangas.
Si Christian Bautista ang nag-serenade sa mga Dekada winners. Nagparinig din ng song ang Moonstar 88 at nag-duet sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos.
Hosted by John “Sweet†Lapus, muling pinasaya ni Sweet ang audience sa six times na costume change na may dala talaga siyang stylist and makeup artist. Ang last costume niya as per request ni Eddie Garcia, lumabas siya sa stage na naka-beach towel na lamang siya dahil wala na siyang ipapalit na damit.
Big winner ng gabi ang Bwakaw na nakatanggap ng six awards out of 21 categories, four awards naman ang natanggap ng I Do Bidoo Bidoo. First award ito as best performance by an actress nina Gina Alajar at Regine sa Golden Screen Awards at hindi naman nakarating si Anita Linda na winner ng best performance by an actress in a supporting role-drama, musical or comedy dahil nagkaroon siya ng freak accident sa bathroom niya last Friday evening.
Hindi nag-expect na mananalo si Alfred Vargas pero nag-tie sila ni Eddie Garcia sa best performance by an actor in a lead role–drama.
Narito ang complete list of winners:
Motion Picture–Drama: Bwakaw, Cinemalaya, APT Entertainment and Octobertrain Films
Motion Picture–Musical or Comedy: I Do Bidoo Bidoo, Unitel Pictures & Studio 5
Best Performance by An Actor in a Lead Role-Drama: Gina Alajar, Mater Dolorosa
Best Performance by An Actor in a Lead Role–Drama: Alfred Vargas, Supremo, at Eddie Garcia, Bwakaw
Best Performance by an Actress in a Lead Role–Musical or ComeÂdy: Regine Velasquez-
Alcasid, Of All the Things, Viva Films
Best Performance by An Actor in a Lead Role–Musical or Comedy: Aga Muhlach, Of All the Things, Viva Films
Best Performance by an Actress in a Supporting Role–Drama, Musical or Comedy:
Anita Linda, Sta. Niña
Best Performance by an Actor in a Supporting Role–Drama, Musical, or Comedy:
Kristoffer Martin, Oros, Cinemalaya
Best Breakthrough Performance by an Actress, Tippy Dos Santos, I Do Bidoo Bidoo
Best Breakthrough Performance by an Actor, Sef Cadayona, Gayak, Cinemalaya
Best Direction: Jun Lana, Bwakaw
Best Original Screenplay: Jun Lana, Bwakaw
Best Screenplay Adaptation: Jerry Gracio, Intoy Syokoy ng Kalye Marino
Best Story: Jun Lana, Bwakaw
Best Cinematography: Carlos Mendoza, Bwakaw
Best Editing: Randy Gabriel, I Do Bidoo Bidoo
Best Production Design: Erin John Martir, Adrian Torres, Supremo
Best Sound Design: Antonieto Carlos, Supremo
Best Musical Score: Vincent de Jesus, I Do Bidoo Bidoo
Best Original Song: Saan Ako Tutungo from the movie Migrante
Best Visual/Special Effects: Dave Yu of MotherÂship, Tiktik: The Aswang Chronicles
Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement Award: Mother Lily Monteverde
Bago natapos ang awards night, iniakyat na rin sina Eddie Garcia at Alfred Vargas sa Dekada Gallery of Distinction dahil sa panalo nila ng gabing iyon.