^

Pang Movies

Ibinisto ng kaibigang si Tanya Gretchen salat sa baon at tuition nung nag-aaral pa, sinasaktan din ng ina!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Lalo ngang lumalaki ang alitan sa pagitan ng mga Barretto. Ngayon hindi lang sila, may ibang mga tao nang nahahalo sa awayan nila. Matindi ang binitiwang mga salita ng dating artistang si Tanya Montenegro na nagsabing kaibigan siya ni Gret­chen at kilala niya ang aktres bago pa pumasok sa showbusiness dahil magka-batch sila sa eskuwela.

Marami siyang inilabas na mga bagay na masyado ng personal kagaya noong madalas walang pagkain si Gretchen kung recess sa kanilang eskuwela. Madalas kung may exams ay napapalabas siya ng room dahil hindi nabayaran ang kanyang tuition. At hindi naman daw totoong inihahatid pa ang mga iyon ng driver dahil ang naghahatid sa kanila at nagmamaneho ng kanilang dilaw na Combi ay ang kanyang kapatid na si Jayjay.

Mas mabigat pa ang sinabi ni Tanya na ilang ulit daw niyang na­rinig kay Gretchen na sinasaktan siya ng kanyang ina. Minsan nga ay may galos pa sa mukha ang aktres dahil sinampal ng ermat niya.

Pinapalabas ni Tanya na talagang may galit sa kanyang anak si Inday Barretto.

Sinabi rin ng dating film producer na si Robbie Tan na mismong si Gretchen ang lumapit sa kanya noon, naghahanap ng mga project dahil kailangan niyang suportahan ang kanyang pamilya. Pero may nagsasabi naman na natural lang kampihan ni Robbie si Gretchen dahil artista niya iyon at saka involved siya ngayon sa Cinemalaya Independent Film Festival na ang main sponsor ay si Tony Boy Cojuangco, live-in partner ni Gretchen.

Kung ganyan na nagsimula nang makisawsaw ang ibang mga tao sa issue, lalo lamang lalaki ang awayan ng kanilang pamilya.

Ang masakit ay wala namang mananalo sa kanila kasi, in the end, anuman ang kalabasan ng bangayan nila ay talo pa rin silang lahat dahil nasira na nila ang pangalan ng kanilang pamilya dahil sa kung anu-anong lumalabas na hindi maganda.

Charo karapat-dapat sa KBP lifetime achievement award

Si Charo Santos-Concio ang binigyan ng lifetime achievement award ng Kapisanan ng mga Brod­kaster sa Pilipinas (KBP) dahil sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa industriya ng broadcasting sa ating bansa. Pabor kami sa desisyong iyon ng KBP.

Talaga namang si Charo ang nagdaan sa lahat ng trabaho, mula sa pinakamababa hanggang sa maabot niya ang kanyang kinalalagyan ngayon. Nagsimula si Charo bilang production assistant lamang sa Channel 13 noong araw pero dahil na rin sa kanyang angking talino at kakayahan, na­ging producer siya, at pagkatapos ay napunta nga sa ABS-CBN.

Marami na ring karangalang naihatid si Charo sa ating bansa, kabilang na ang prestihiyosong Asian Film Festival na nakakuha siya ng best actress award noong 1987 para sa kanyang pelikulang Itim.

Aktres isinusumpa ang senior actress na naging dahilan ng hiwalayan sa ’di makalimutang BF

Hindi pa rin pala makalimutan ng isang aktres ang kanyang dating boyfriend.

Kahit na nagkaroon na rin siya ng ibang BF matapos nilang mag-split, hindi pa rin talaga niya makalimutan ang paboritong ex-boyfriend at isinusumpa pa rin niya ang isang senior actress na sinasabi niyang siyang sumira ng kanilang relasyon.

vuukle comment

ASIAN FILM FESTIVAL

CHARO

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DAHIL

GRETCHEN

INDAY BARRETTO

KANYANG

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with