MANILA, Philippines - Ang country’s one and only concert party sa TV ay niyaya kayong maki-party ngayong Sunday with Party Pilipinas in the Navy. Naka-set up na ang lahat sa Philippine Navy Headquarters, sa Roxas Boulevard, Pasay City, tiyak na lalong mararamdaman sa show ang summer heat!
Ang most beautiful Kapuso stars na sina Heart Evangelista, Carla Abellana, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Bianca King, at Solenn Heussaff pay their respect as they sing their salutations to the Philippine Navy together with Party Pilipinas’ sexiest, Sam Pinto, Michelle Madrigal, Lexi Fernandez, Winwyn Marquez, and Ryza Cenon.
Ang future ng pop acoustic, isang certified showbiz royalty na si Yssa Muhlach, ay maglo-launch ng kanyang solo album habang ang heir of rap na si Elmo Magalona ay magdiriwang ng ika-19 na kaarawan.
Ang Party Pilipinas in the Navy ay eere ngayong Sunday, April 28, sa GMA 7.
Daniel Padilla naka-double platinum na
Lalong magiging makulay ang summer ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla ngayong Linggo (April 28) sa paggawad sa kanya ng double platinum record award para sa kanyang self-titled debut album sa ASAP 18.
Bukod sa special treat ni Daniel, sunud-sunod na must-watch performances naman ang matutunghayan sa ASAP 18 centerstage kabilang ang nakakakilig na panghaharana ng Kapamilya heartthrobs na sina Sam Milby, Paulo Avelino, Xian Lim, at Piolo Pascual; ang hindi dapat palampasing production number ng teleserye lead stars na sina Sunshine Cruz, Lara Quigaman, at Aiko Melendez; at ang kaabang-abang na pasabog Pilipinas Got Talent 4 finalists.
Makisaya, makisayaw, at maki-party sa 2012 PMPC Best MuÂsical Variety Show na ASAP 18, 12:15 p.m. sa ABS-CBN!