MANILA, Philippines - Marami ang nabitin sa matagumpay at magandang ibinigay na tribute ng GMA Network para kay German “Kuya Germs†Moreno na 50 Years with the Master Showman last Wednesday na ginanap sa Resorts World. Pinag-isipang mabuti ang show kaya naging very touching at nakakatuwa ang palabas na pinagtulungan ng mahuhusay na direktor na sina Al Quinn at Louie Ignacio.
Palibhasa ay nasanay ang mga manonood sa puyatang palabas ni Kuya Germs na Walang Tulugan with Master Showman sa GMA 7 kaya akala ng lahat ay magiging mahaba-haba ang show.
Naging masaya ang show na sa umpisa pa lang ng palabas ay umaapaw na sa guesting na pinakinang pa ng husto nina Sharon Cuneta, Dawn Zulueta, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Martin Nievera, Billy Crawford, Richard Gutierrez, Rep. Lani Mercado, Sen. Bong Revilla, Jr., Dulce, Pilita Corrales, Iza Calzado, Vina Morales, Aljur Abrenica, Alden Richards, Louise delos Reyes, Bea Binene, Jaya, Susan Roces, Gloria Romero, Glydel Mercado, Roxanne Guinoo, Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Manilyn Reynes, Kris Bernal, Mark Gil, Ara Mina, Carla Abellana, Geoff Eigenmann, Jean Garcia, Jennica Garcia, Karylle, Keempee de Leon, Jessa Zaragoza, Rachelle Ann Go, Jackielou Blanco, Jake Vargas, at marami pang dumating na sangkatutak na artista na nagpunta para lang magpasalamat kay Kuya Germs.
Dahil nga sa touching ang mga special number ng show kaya naluha sa galak si Kuya Germs. Natawa at nahiya naman siya sa mga memorable na black and white na pictures at movies na ipinakita sa screen na nagsasayaw, kumakanta, at umaarte siya kasama sina Fernando Poe, Jr., Dolphy, Juancho Magalona, Gloria Romero, Susan Roces, Vilma Santos, Nora Aunor, at marami pang iba.
Marami rin ang napabilib nang ipakita ang mga clipping ng tambalang Nora at Tirso Cruz III na bukod na si Kuya Germs ang may idea sa Guy and Pip love team ay binigyan pa niya ito ng pelikula na ipinalabas sa loob ng six months noong araw sa mga sinehan kaya noon pa man ay subok na ang pagiging star builder ng Master Showman. Patok na patok din ang kantahan nina Pops, Manilyn, Martin, at Janno Gibbs. Humirit pa si Martin sa huli na nanghingi ng gatas na Birch Tree na dating ipinamimigay ni Kuya Germs sa mga naggi-guest sa kanyang show kaya tawanan ang lahat.
Hindi rin nagpatalo si Elizabeth Ramsey sa kalokohan na pumapasok pa lang sa stage ay winawagayway na ang kanyang palda sa harap na ikinatawa ng audience. Hindi naman maipinta ang reaction ng isang foreigner sa audience sa gulat sa pinaggagagawa ng nanay ni Jaya na itinataas-taas ang kanyang harapang palda na ikinaloka ng banyagang bisita. Lalo pang humagalpak at napabilib ang mga manonood sa walang kupas ng performance ni Elizabeth. Kaya tuwang-tuwa rin ang mga Muslim na isang hilera silang nanonood sa may likuran namin.
Sa bandang huli ay tumulo na ang luha ni Kuya Germs sa pagbibigay ng halaga sa kanya ng industriya sa loob nga ng 50 years. At least, nasaksihan pa ni Kuya Germs ang pagbibigay importansiya sa kanya sa mundo ng local showbiz na hanggang ngayon ay patuloy na pa rin siyang naghahanap at naghihinang ng mga talent na pakikinabangan at mamahalin din ang legacy na kanyang binuo sa industrya.