^

Pang Movies

Edu tuluyan nang tinigilan ang pag-arte

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Classmate ni Edu Manzano sa De La Salle ang medical director ng National Children’s Hospital sa QC na si Vicente Gomez kaya naging dahilan ang kaklase upang doon isaayos ang pagtatayo ng Adrian Manzano Cancer Wing ng ospital. Malaking factor ang naging trabaho ng ama ni Edu na pinamahalaan ang isang Boys Town sa California noong nabubuhay pa siya.

Nililinaw lang ni Doods na ang pagpapagawa niya ng tatlong phases ng bahagi ng ospital ay walang kinalaman sa pagiging politician niya noong araw. Mula sa sariling pera galing ang renovation niya sa lugar kung saan bawat room ng bata ay may sariling TV at toys na puwede nilang pagkalibangan.

“Bahagi rin ng kinikita ko sa hosting ay napupunta rito. On-going pa rin kasi ang pagsasaayos ng third phase ng wing kaya malaki-laking pera pa rin ang kailangan. Ayoko rin ka­sing humingi sa mga tao. Ako ang unang magbibigay ng funding dito.

They can donate dahil non-profit ito. But I have no other intentions than to help these kids and go on with the legacy of my father,” paliwanag ni Edu nang aming makausap.

Hands on nga ang actor sa iba pang kailangan ng mga bata. Hindi pa naman daw kasi nagsisimula ang bagong show niya sa TV5 bukod sa morning show niya kaya mas mala­king oras ang naibibigay niya sa bagong advocacy.

Tumigil na rin kasi sa pagtanggap ng mga acting roles si Edu mula nu’ng maging Chairman siya ng Optical Media Board (OMB).

Ibinalita rin ni Edu ang paggi-guest ng dalawa niya pang anak na sina Addie at Enzo sa Minute to Win It show ng anak nila ni Vilma Santos na si Luis Manzano.

“Dumaan lang sila doon. Pumapasok pa nga lang daw ang dalawa, umiiyak na si Luis! Biro mo, umiyak si Luis! Hindi niya akalain na papayagan ko ang dalawa!” chika niya.

Naging mahigpit din kasi siya pagda­ting sa mga anak dahil ang pag-aaral ang gusto niyang matapos muna kung sakaling gusto rin nilang pumasok sa showbiz.

“Tama lang naman ang ginawa kong desisyon noon eh. Tingnan mo siya (Luis) ngayon. Napaka-stable, Balanced. Hardworking. Mabait!” diin ni Doods.

Oo, mas mabait sa kanya si Luis, huh!

“Oo! Ako gago eh! Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

Pero pagdating sa babae, “Hindi ako nawawalan! Ha! Ha! Ha! Ako pa? Wala na. Wala na. Kung meron mang babaeng naa-attract  sa akin, binibigay ko ang phone number ni Enzo!” biro ni Edu.

Umiiwas na ba siya sa responsibilidad?

“Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Edu.

Sen. Cayetano napabilib ni Lito Lapid

Bilib si Senator Alan Peter Cayetano sa kakayahan ng kapwa senador na si Lito Lapid nang magsama sila sa biyahe sa ibang bansa.

“Na-realize ko na si Lito doesn’t talk much. But when he talks, he really knows something about it.

“So sa gabi at araw-araw naming magkasama, he’s very street smart! He knows kung ano ang problema ng people, etc. Siguro lang, ang field talaga lang niya is pagiging governor rather than sa debate. But I learned to respect everyone in the Senate whether they like me or not!” pahayag ni Sen. Alan Peter.

 

vuukle comment

ADRIAN MANZANO CANCER WING

ALAN PETER

BOYS TOWN

BUT I

DE LA SALLE

EDU

LITO LAPID

LUIS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with