TV host shocked sa nangyayari sa pamilya Barretto: Kris naalala ang pagmamahal ni Claudine sa anak ni Marjorie, Gretchen nakilalang madasalin at nagba-Baclaran

Dahil napakalaking controversy ngayon sa showbiz ang Barretto family feud at talaga namang pinag-uusapan ng lahat ang statement ni Inday Barretto na lumabas sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star, kahapon sa Kris TV ay naging topic din ito ng host na si Kris Aquino at ng kanyang co-host ngayon na si John Lapus.

Ayon kay Tetay ay ikinagulat niya rin ang mga statements ni Mommy Inday na aniya ay sobrang tapang daw.

 â€œNagulat lang talaga ako sa statement ni Mommy Inday kasi sobrang tapang at sobrang madetalye. Siguro sometimes kasi hindi mo mahe-help na pag nakita mo na may isa kang anak na helpless, you’ll really go to the full extent to try to help that child. Pero tayong lahat medyo nagulat na in helping one child parang itinakwil na ‘yung isang anak,” sabi ni Kris.

Dagdag pa niya, “late pinanganak si Clau, as in alam ko na her mom was already in her 40s. So I’m saying na at this point na sa mid-70s na si Mommy Inday. ‘Yung sana sa last year of their lives eh ini-enjoy na nila ang pamilya at mga apo. So ang sad na ang lahat ng ito, nangyari.”

From what she knows, say ni Kris ay close naman daw si Claudine sa mga pamangkin kaya hindi niya mapaniwalaan na ang pinagsimulan ng gulo ay ang diumano’y pangba-bash ng aktres kay Julia Barretto na anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla na ngayon ay talent na rin ng Star Magic.

“When we were doing Sukob, although that was way back 2006, noong nagshu-shooting kami at nagpi-pictorial si Julia at si Claudia, sumasama talaga kay Claudine eh. So parang alam ko na super close sila talaga while those children were growing up,” say pa ni Kris.

“So ang hirap paniwalaan na ang lahat ng ito ay nagsimula doon sa pangba-bash kay Julia. Parang naa-accuse na nanggagaling kay Claudine.

“Well, of course, ang tagal-tagal na noon pero sa lahat nang nakita ko, mahal na mahal niya ang bata,” dagdag pa ni Kris.

Si Greta naman daw, ayon kay Kris ay naka­trabaho niya sa Ariel commercial at ang pagkakakilala niya rito ay madasalin.

“Kaya ako nagtataka kasi Gretchen prays the rosary, every time, talagang two to three times a day, she goes to Baclaran. May devotion. Nagsisimba, parang very solid ang relationship with God. Ako naman feeling ko kung madasalin kang tao, ‘yung ina-accuse sa iyo na may sisi­raan kang kapatid, hindi bagay doon sa nakita ko, for myself na napakamadasalin ngayon. I’m sure since madasalin siya ino-honor niya ang Ten Commandments. Hindi ba the fourth commandment is ‘honor your mother and your father?” pag-aanalisa pa ni Kris.

Sa gulong nangyayari sa Barretto family, ayon kay Kris ay alam niyang napakahirap nito para sa mga miyembro ng pamilya.

“Nakakaawa silang lahat, lalo na the other members of the family who are not involved in the gulo. For example, si Daddy Mike. Ano kaya ang nararamdaman niya na lahat ng ito ay naglabasan? If you think also, what prompted the brother (Joaquin) to speak and to make it public? Kasi puwede na lang tumawag siya sa nanay niya na ‘mom, please stop na.’ Pero the fact na mayroong mga lumabas, hindi natin alam kung ano ang family dynamics nila. Hindi natin alam kung ano talaga ang pinagdadaanan ng pamilya,” say pa ni Kris.

Show comments