Lovi magaling mag-pump! – Direk Joel

MANILA, Philippines - Ang pagsigaw ng mga salitang, “Pump, Lovi, pump!” sa lovemaking nila ni Aaron Villena sa pelikulang The Bride and the Lover ang rason kaya umiyak ang actress matapos kunan ang eksena. Pero hindi alam ni Direk Joel na iniyakan pala ‘yon ni Lovi. Kaya naman nagbigay siya ng paliwanag tungkol sa paggamit niya sa salitang ‘yon at humingi ng paumanhin sa aktres kung nakasakit siya.

 â€œWala naman siyang sinabing naiiyak siya that time we’re doing it. Well, I was just saying, ‘Pump, Lovi, pump!’ It was needed in the scene! It’s a love scene. Supposed to be, she was the dominant character there.

 â€œDapat magpa-pump siya! I just said, ‘Pump, Lovi, pump!’ I thought it was part of the action, so good!” paliwanag ni Direk Joel habang nangingiti si Lovi.

Magaling bang mag-pump si Lovi?

 â€œMagaling ‘yung buong eksena pati ‘yung pump! Sorry, I didn’t know that you were crying!” dugtong ng director at humingi ng sorry kay Lovi.

Pagdating naman sa bugbugan nina Lovi at Jen na isa sa highlights ng movie, aminado ang director na gusto niyang maging makatotohanan ang bakbakan nila.

“I told them to really fight. Box. Magngud-nguran kayo ng mukha! It was so good!” pahayag niya.

“Sabi ko sa kanila, if you will not do it good, we will keep on repeating and repeating all the time! Kung hindi nila gagawin ng tama, lalo silang mahihirapan. But if you will do it one time na mahusay at tama, mas madali. Kesa sa paulit-ulit, paulit-ulit because you did not do it right! So they did it right! It took us from one o’clock to five o’clock in the afternoon,” paliwanag pa ng award-winning director.

Direk Joel na-intimidate kay Hayden

Introducing si Hayden Kho, Jr. sa movie. Nang una siyang makita ni Direk Joel, intimidated ang naging feeling niya.

“Pero nang dinidirek ko na siya, okey naman pala. He’s good. Na-intimidate ako sa ‘yo dati,” pa-cute na bulong ni Direk Joel kay Hayden na katabi niya.

 â€œNa-intimidate ako kasi Hayden Kho siya! Napakaguwapo pala niya! I felt I was Vicki Belo! Ha! Ha! Ha! Hindi. Until dinirek ko na siya. He’s very cooperative, he listens to instructions. Mahusay siya, He has nice attitude. That’s one thing good for him!” rason ni direk sa unang pagdidirek niya kay Hayden.

Hindi aware si Hayden na panay ang hingi ng tulong ni Dra. Vicki Belo sa press upang tulungang i-promote ang  unang movie niya. Nabanggit daw ito sa kanya ng doktora pero ‘yung todo ang suporta ay hindi niya alam.

 â€œI think it was more kay Lovi and Jennylyn­ kasi nga Belo endorsers namin sila. In fact, dumaan sa amin, sa Marketing Department. May billboard pa nga kaming iaaangat for Lovi and Jen. The Bride and the Lover. Pero wala ako doon!” katwiran ni Hayden.

Itinanggi niya na excited din ang doktora na mapanood ang performance niya sa premiere night ng movie.

 â€œThat’s not true! Sabi niya sa akin eh. Hindi, hindi, hindi. Hindi siya pupunta opera lang ‘yung focus niya sa movie, ‘yung interview niyang ‘yon. Wala doon sa…Our relationship,” saad niya.

 â€œBaka manood lang siya sa regular showing. Usually the way she supports, bumibili siya ng special screening for the whole company!” katuwiran ni Hayden.

Teka, mas gusto na lang ba niyang maging bride si Dra. Vicki o hanggang lover na lang?

“I mean imaginary world, gusto ko siyang maging bride! But in this being grounded world, it’s very complicated! We know how we feel about ourselves and marriage is not necessarily the proof of our love for each other!” deklara ni Hayden.

                                                                 

Show comments