Rufa Mae naglalambing kay Ogie

MANILA, Philippines - Pinakiusapan ni Rufa Mae Quinto si Ogie Alcasid na huwag nang aalis ng GMA 7.

“Sabi ko sa kanya, siya lang ang ‘kuya’ namin sa Bubble Gang, aalis pa siya? Mami-miss namin siya talaga ’pag umalis na siya,” sabi ni Rufa Mae.

Sabi naman sa kanya ni Ogie, matagal pa raw ’yung pag-alis niya. May kiddie show pa siya sa Siyete. Nevertheless, sabi ni Rufa Mae, gusto pa rin niyang nasa Siyete si Ogie pagdating ng birthday niya sa May 28. 

“Parang birthday gift na lang sana niya sa akin,” lambing ng sexy comedienne.

Tungkol sa love life niya, nagbibiro lang daw si Boy 2 Quizon nang yayain siyang pakasal.

“Kaya naman hindi ko sineryoso ’yon,” sabi pa ni Rufa Mae. 

Pero gusto niyang makakilala na ng isang lalaki na magpapakasal sa kanya. 

“Nagkakaedad na kasi ako,” sabi niya. “Mahirap manganak ’pag lampas thirty ka na, ’di ba?”

Charice hinihintay na lang maglabas ng GF?!

Bumuwelta ang kampo ni Charice sa mga umaakusang tomboy daw siya kaya nagpagupit ng buhok na parang lalaki. 

“Mainit lang kasi ang panahon kaya siya nagpagupit,” say ng isang Charice fan. “Bakit ginagawa nilang isyu ’yun ngayon? Eh bakit si Aiza Seguerra hindi nila tinitira eh gupit lalaki ’yon?”

Compared kay Aiza, mas tanggap namang “lalaki” ito kaysa kay Charice. In fact, nagkaroon ng girlfriend noon ang singer at nakipag-break lang ito.

Si Charice kaya, may ilalabas na “girlfriend”?

“Yan ang hindi namin alam,” sagot naman ng isa sa kampo ni Charice.       

 

 

Show comments