^

Pang Movies

Sen. Lito bihirang ngumiti

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pansin ng marami na bibihirang ngumiti si Sen. Lito Lapid sa kanyang teleseryeng Little Champ.

“Ngumingiti naman si senator kung minsan, depende sa eksena,” depensa naman ng kanyang publicist, si Alex Marcelino, ng makausap namin ito sa kaarawan ni kapatid na Jobert Sucaldito.

Ayon pa kay Alex, pagkatapos ng termino ni Lito bilang senador ay hindi na ito tatakbong muli. 

“Doon na lang siya sa kanyang farm sa Porac (Pampanga) maglalagi at pamilya na lang ang aasikasuhin niya,” info nito.

Si Lito ang paboritong puntahan ng mga tao kapag nagpupunta sila ng Senado. Bukas lagi ito sa pagtulong sa sino man. ’Yung stuntmen na walang trabaho, higit ang mga nakasama niya sa mga pelikulang nagawa, mga tumanda ng direktor na nangangapa na lang ng proyekto ay sa opisina rin niya ang takbuhan. Ilang movie press na salat na rin sa pagsusulat at pinagdamutan na sa publikasyon. At kahit paulit-ulit ay binibigyan pa rin ni Lito ng tulong. Paano na kung wala na ito sa Senado?

Ariella malalagpasan pa ang naabot nina Venus, Shamcey, Janine

Right choice talaga para sa amin na mapiling Bb. Pilipinas-Universe si Ariella Arida. Tiyak na lalampasan pa niya ang success na inabot nina Venus Raj, Naka-display ang mga larawan ng Bb. Pilipinas contestants sa 4th level ng Gateway Mall sa Cubao, Quezon City ngayon at tiyak na mai-impress din kayo sa korte ng katawan ni Ariella.

Kasama rin ’yung photo ni Mariel de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, na naka-bathing suit. Kayo na ang magsabi kung bakit siya natalo sa nasabing beauty contest kapag nakita n’yo na ang photo niya.                                                                                                                  

vuukle comment

ALEX MARCELINO

ARIELLA

ARIELLA ARIDA

GATEWAY MALL

JOBERT SUCALDITO

LITO

LITO LAPID

LITTLE CHAMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with