Daniel nalulula na sa rami ng pera, sports car binili ng cash!
Guess who will soon join Aga Muhlach in one of his campaign activities sa fourth district ng CamSur (short for Camarines Sur) where he is running bilang congressman ngayong darating na May 13 elections?
Yes, maliban kay Regine Velasquez, possibly Pokwang, and, if plan do not miscarry, no less than P-Noy ay darating din upang tulungan siyang ma-ngam-panya. And of course, Direk Joyce Bernal. At earlier ay tumulong na sa panga--ngampanya ni Aga sina Angel Locsin, Coco Martin, at ang Megastar herself, Sharon Cuneta.
Well, ang sagot sa tanong sa itaas: Daniel Padilla.
No less than his Mommy Karla Estrada confirmed this pagpunta ni Daniel sa CamSur’s fourth district para kahit paano ay makatulong sa kanyang Tito Aga na manalo in his bid bilang representative. Ayon kay Karla, they are coordinating with Aga’s elder sister, Arlene (Muhlach), who has been a dear, dear friend niya from way back pa.
‘‘Napakaliit na bagay itong gagawin ni Daniel na pagpunta sa CamSur for his Tito Aga kung ikukum-para sa pinagsamahan namin ni Arlene.
“Ang magagandang pakikisama, lalo’t sa old friends, ay isang bagay na itinatanim ko sa isipan at puso ni DJ (Karla’s pet name for her eldest son).
‘‘Kasama na siyempre roon ang pagiging mapag-kumbaba, ang paglingon sa pinanggalingan, kahit pa saan siya makarating sa kanyang pag-aartista. At lalo na ang pasasalamat sa the One Up Above sa mga blessing na ibinibigay ’di lang sa kanya kung hindi sa aming pamilya.
‘‘On my end kung may dalanging hinihingi ko sa Diyos for DJ is his good health. At, siyempre, ng kanyang mga kapatid as well,’’ susog pa ni Karla.
Sa kasalukuyan, walang duda ngang si Daniel ang most phenomenal teenage star. Kung tutuusin nga from Daniel’s end naman wala muna siyang gustong hilingin pa.
At 18, after all, waring ibinigay na sa kanya ni Lord ang gusto niyang hilingin, a successful showbiz career at pagkakataong mabigyan ng ginhawa, lalo na ang kanyang ina.
Nakita niya kasi ang effort ng kanyang mommy na pala-kihin silang magkakapatid na mababait at masagana.
Did Daniel think mapapasakanyang lahat ng tagumpay na ini-enjoy niya ngayon at age 18?
Inamin ni Daniel na nagsimula ang lahat nang dahil sa teamup nila ni Kathryn Bernardo sa top series na The Princess and I.
Sinundan ito ng kanilang first movie together ni Kathryn, Must Be… Love, which was a box-office hit.
Then came his debut album for Star Records which is now a double platinum. No wonder na ang self-titled album niyang ito ay nagkaroon kaagad ng follow-up, dubbed DJ, which Star Records recently launched.
And then the number of endorsements na kasalukuyan niyang natatanggap.
‘‘Talagang nakakalula, sa totoo lang,’’ pag-amin ni Daniel. ‘‘I am glad, nandyan palagi si Mommy to help me kumbaga, and for me to continue keeping my feet on the ground.’’
Four days after his birthday (April 26) is Daniel’s first major concert at the Smart Araneta Coliseum (scheduled April 30). This early, it is said, na halos sold out na ang tickets lalo na sa Patron section.
Daniel said, ‘‘My fans and supporters need not worry. I prepared well for my concert. I assure them they’ll enjoy it.’’
For his birthday gift to himself, according to Karla, Daniel requested na mabili ang long-time dream niyang isang sports car na pinagbigyan niya. She handles kasi his finances.
‘‘At heto pa,’’ pahabol pa ni Karla. ‘‘He managed to buy the car in cash.’’
Daniel drives the sports car himself now.
By the way, Daniel and Kathryn will soon start on a new series together.
- Latest