^

Pang Movies

Kaya pala natural umarte Direk Brillante gumamit ng mga totoong tao na nakaranas ng sakuna

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noong magkasundo sa kanilang second collaboration na instructional documentary film na Ligtas sina Sen. Loren Legarda at Director Brillante “Dante” Mendoza, hindi na nakialam ang No.1 senadora sa paggawa ng katatapos na pelikula.

“Buo ang tiwala ko kay Direk Dante kaya hindi ako nakikialam sa paggawa ng Ligtas,” pagdidiin ni Sen. Loren. “Siya ang filmmaker at nagwagi siyang best director sa Cannes International Film Festival kaya hinihintay ko na lang ang finished product.”

Kahit hindi pa napanood ni Sen. Legarda ang final print na may running time na 20 minutes ay alam niyang masisiyahan siya sa ginagawa ng multi-awarded director. Ngayong April 22, na celebration ng International Earth Day, ang launching ng Ligtas kaya maaaring mapanuod na namin.

Sa paggawa ng instructional docu, nag-dramatize ng mga tagpo sa film si Direk Dante. Pero hindi mga artista ang kanyang ginamit na actors. Ang kinuha niya ay mga taong tunay na involved sa mga kalamidad at nakaligtas sa sakuna. Kaya naman natural ang kanilang pag-arte.

Ikakalat na ang Ligtas sa lahat ng dako ng Pilipinas, lalo na sa mga paaralan, upang mapanood ng lahat ng mamamayan pati na mga kabataan.

Atleta pumatol na sa matandang aktres, nagsawa na sa mayayamang bading

 Palaban sa kama ang isang popular athlete. Kahit sabihin pang wrangler (matanda) na ang isang sexy hot actress, pinatulan pa rin niya. Tanong tuloy ng nakaalam sa naging umuusok nilang engkuwentro: “Magkano?”

Tiyak na hindi naman kalakihan ang money involved although alam natin na tunay na naglalako ng laman ang sportsman lalo sa mayayamang bading.

Siguro, kaya siya pumatol sa hot mama, para makatikim naman ng tunay na babe. Nagsawa na siguro siya sa eskrimahan!

Basketbolista binalikan ang gay lover kahit may misis

Ang isang hardcourt hero nga hindi pa hiwalay sa misis ay nakipag-one-night stand ulit sa dating kabit na baklesh.

“Bakit ko naman siya tatanggihan kung muling nasabik kami sa isa’t isa?” katuwiran ng bading. “Hanggang ngayon wala pa akong lover na kasing sarap niyang makipaglaplapan.”

MTRCB ipinatatawag ang responsable sa mga halos nakahubad na dancers ni Willie

Muling ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga responsable sa sobrang sexy, two-piece costume ng mga dancer ng Wowowillie na halos ibilad na ang buong katawan sa TV. Binanggit ng Board ang show ng ipinalabas noong April 16.

Ngayong Lunes na ang kanilang meeting (hearing) at hindi natin alam kung ang star/producer mismo ng show na si Willie Revillame ang ipinatawag.

Ang concern ng MTRCB ay pangalagaan ang mga bata at kababaihan sa panonood ng hayagang kalaswaan sa telebisyon.

Baka magprotesta naman ang kalalakihan dahil mawawalan sila ng mapaglilibangan o mapapagrausan!

Naka-attend na sa isang gender-sensitive seminar sina Revillame at staff noong kastiguhin si Ethel Booba sa ere. Ano naman kayang parusa ang igagawad sa tropang Revillame kapag napagpasiyahan ng Board na nagkasala sila?

Ekstra may pag-asa pa sa ibang int’l filmfests

Dalawang full-length Pinoy films, ang Death March ni Adolf Alix, Jr. at ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz (apat na oras ang haba), ang kalahok sa kumpetisyong Cannes International Film Festival sa May 15-26.

Tatlo namang Filipino short films ang maaari pang magwagi ng awards sa kanilang sariling division sa prestigious filmfest.

Ang say ng mga may gawa ng Ekstra (The Bitplayer) na bida si Vilma Santos, nagustuhan naman ang kanilang tinangkang ipasok ng ibang hurado pero hindi naman kasali sa final cut. Umaasa sila na tatanggapin naman ang Ekstra sa ibang world filmfest after Cannes.

Good luck, Ate Vi and company!

Anne nakikipag-agawan din sa trono ni Ai-Ai

Ang claim ni Anne Curtis, maganda ang kanyang voice kahit hindi siya isang singer. Kaya balik Smart Araneta Coliseum siya for another solo major live concert.

Sino kaya sa kanila ng kapatid niyang si Jasmine Curtis Smith ang higit na puwedeng performer as Anne claims she is?

Gusto ko tuloy manood sa Big Dome dahil baka higit na maging comedy concert ito sa halip na musical show.

Kapag ang sinasabi ni Anne na performer ang star sa show, hindi naman kaya nahihirapan o natatawa ang kanilang mga musical director?

Move over Ai-Ai delas Alas, baka may koronahan ng isang bagong comedy concert queen!

 

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

DIREK DANTE

EKSTRA

LIGTAS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with