Daniel ayaw nang pumatol sa mga intriga
Daniel Padilla is turning 18 years old this April 26 at ito na yata ang pinakamasayang birthday celeÂbration niya dahil, as we can see, hindi naman talaga matatawaran ang kasikatang tinatamasa niya ngayon.
Kaya nga labis ang pasasalamat ni Daniel at ang wish lang niya ay magpatuloy pa ang magagandang blessings na dumarating sa kanya kasama na rin siyempre ang good health para sa kanya at sa buong pamilya.
“At sana mapantayan ko ‘yung suportang ibiÂnibigay sa akin ng fans ko na sana hindi sila magsawa. Dahil hindi ako magsasawa na pasayahin sila.
“’Yung mga endorsement ko na nagtitiwala sa akin, ‘yung mga gumagabay po sa akin, ang ABS-CBN family ko, kasama po kayong lahat sa dasal ko,†sabi ni Daniel sa presscon ng kanyang birthday concert kahapon.
Gaganapin ang birthday concert niya sa April 30 sa Smart Araneta Coliseum entitled Daniel Live: A Birthday Concert at dadaluhan ito ng maraming guest stars pero hindi alam ni Daniel kung sinu-sino ito dahil surprise ito sa bagets.
Basta ang tanging alam ng actor-singer ay may participation ang ka-love team niya at ka-MU na si Kathryn Bernardo.
Sa araw naman mismo ng kanyang kaarawan ay wala siyang malaking party at ipagdiriwang niya ito sa pamamagitan ng pagpunta sa isang charitable organization.
“Oras na para tumulong. Magtsa-charity po ako sa Childhaus. Pangalawang taon ko na po siyang tinutulungan,†pag-amin ni Daniel.
Bagama’t sikat na sikat na si Daniel ngayon, ayon sa bagets ay marami pa siyang gustong marating at mapuntahan.
“Kuntento ako ngayon pero hindi ko po inaano ‘yung sarili ko na hanggang dito na lang,†aniya.
Dahil nga sikat na, nararanasan na rin ni Daniel ngayon ang mga intriga tulad na nga lang ng tsimis na yumayabang na siya ngayon na ilang beses na rin naman niyang sinagot.
“Hindi ako mayabang. Hindi lang ako nagpapa-api. Hindi naman ako nang-aapi pero hindi rin ako nagpapa-api. Minsan kailangan mong ipakita ‘yung ganung image mo para lang ‘yung mga taong ayaw sa iyo maintindihan ka.
“Akala nila, porke’t artista, pa-cute nang pa-cute lang ‘yan. Hindi ganu’n yun, ’no?! Pantay-pantay lang tayo rito. Nagkataon lang na nasa TV ako,†pahayag pa ng teen heartthrob.
Naging comedy naman ang usapan nang matanong si Daniel kung legal na ba siyang gawin ang lahat ngayong 18 na siya.
“Sa lahat? Huwag muna. Ayokong mamroblema, hassle sa ulo ’yun.â€
Marami na ba siyang alam sa buhay?
“Oo naman! Mulat naman ako sa lahat ng bagay. Pero siyempre hindi naman kailangang ibulgar ’yun. Alam n’yo na ’yun, understood na ’yun kumbaga, naÂting lahat ’yan,†ang napakatotoong sagot ni Daniel.
Pero bumawi naman siya agad.
“Bata lang naman ako eh. Wala pa akong alam,†at muli siyang tumawa.
At dahil binata na siya, natanong si Daniel kung umiinom ba siya?
“Hindi ako umiinom ng alak. Pero na-try ko naman minsan. Umiinom pero madalang ’yun kasi hindi ako mahilig talaga. Pangit ang lasa nun,†say pa ni Daniel.
- Latest