Inamin ni Polo Ravales na nasaktan siya sa isang eksena nila ni Benjamin Alves sa taping ng Unforgettable. Pero nilinaw naman niyang hindi siya nag-walkout sa eksena dahil hindi naman niya gawain iyon.
“Medyo nadala siya sa eksena namin. Eh noong rehearsal naman namin, okay lang ‘yung dating. Noong mag-take na, sumobra naman kaya parang, ‘Ano ba ito?’ kasi physically masakit. Kahit sinong artista magrereklamo,†pahayag ng aktor.
Pero dahil naintindihan naman ni Polo na medyo baguhan si Benjamin sa gano’ng klaseng eksena ay pinagpasensyahan na lang niya.
“Nag-sorry naman siya after ng take. Medyo na-carried away lang daw siya. Sa akin naman, okay na ’yon. Nag-sorry naman eh. Wala namang pananadya.
Magkakaroon ng malaking pagbabago sa role ni Polo sa Unforgettable. May pagbabayaran siyang malaking kasalan sa ginawa niyang panghahalay kay Kylie Padilla sa serye.
“Hindi naman bayolente ang rape scene with Kylie. Maganda ang pagkakakuha ni Direk Gina Alajar.
“Okay naman lahat kay Kylie. Tawa pa nga siya nang tawa after makunan ang rape scene. Parang wala lang sa kanya,†sabi ni Polo.
Mocha bibinyagan si AkihiRo
Si Mocha Uson ang napili para ma-devirginize ang baguhang si Akihiro Blanco sa kauna-unahang indie film nito. Magbibida na kasi ang 17-year-old Artista Academy finalist sa pelikulang Mga Alaala ng Tag-ulan na ididirek ni Ato Bautista bilang isa sa mga entry sa CineFilipino Film Festival sa June.
Tungkol sa isang May-December affair ito na nangyari sa isang binata na nagbakasyon sa isang malayong probinsiya dahil sa pagkakahiwalay ng kanyang mga magulang.
Napili ni Direk Ato si Akihiro dahil naghahanap siya ng bida na bago at malakas ang dating sa masa.
Si Mocha naman ay bihasa na sa paggawa ng mga indie film at nagmumura nga raw ang alindog nito.
Celia walang balak magretiro tulad ni Gloria
Tulad ni Gloria Romero, wala pang balak na mag-retire sa kanyang pagiging artista si Ms. Celia Rodriguez. As long as meron na kumukuha ng kanyang serbisyo, handa siyang magtrabaho pa.
Kasama si Manay Celia sa bagong early primetime series ng GMA 7 na Home Sweet Home at isang multo naman ang kanyang ginagampanan.
“I’ve played so many roles in the past. Natsa-challenge pa rin ako. Dito sa Home Sweet Home, katuwaan lang ang lahat. I appreciate the fact na may mga offer pa rin ako.
“Sa edad kong ito they say I should be retiring. But no, tuluy-tuloy lang tayo habang kaya pa natin at gusto pa tayo,†diin pa ni Manay Celia na ang mga alalay sa pananakot sa show ay sina Patricia Ysmael at Arthur Solinap.