MANILA, Philippines - Manghang-mangha ang studio audience ng Eat Bulaga nang bumulaga sa harap nila ang maganda’t seksi pa ring si Diana Zubiri at tinuturuan sila ng tamang paraan ng pagpalakpak sa mga segment ng programa. Kasi nga naman hindi nila inaasahan na isang artista pa ang haharap sa kanila upang i-guide ang gagawin ng studio audience.
Eh lingid sa kaalaman ng lahat, bahagi ng kurso ni Diana ang mag-train sa isang TV show. Nung panahon kasing nabakante ang award-winning actress, ang pag-aaral ang kanyang pinagbuhusan ng panahon.
Nang lumipat naman siya sa Dos from Siete, patapos na ang kanyang pag-aaral kaya muli siyang tumanggap ng daily series. Ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin ang ginagawa niya ngaÂyon at naggi-guest minsan sa Juan de la Cruz.
Minsan nga, pinag-taping si Diana sa umaga ng JDLC at sa hapon naman ay ang BNLKM. Pero sumaglit pa rin siya talaga sa EB upang ipagpatuloy ang training at wala siyang pakialam kahit na nga ang turuan ang audience ang ginagawa niya, huh!
Sa darating na araw, siguradong sa production naman ilalagay si Diana. Malay natin, bukod sa pag-aartista, maging staff na siya ng noontime show, huh!
Heart lalayo muna kay Chiz
Magpapakalayo muna si Heart Evangelista ngayong bakante muna siya sa trabaho dahil sa pagwawakas ng afternoon series niyang Forever. Natahimik man ang kanyang mga magulang sa ngayon, hindi naman ibig sabihin ay wala nang pag-asang makabati niya ang mga ito.
Mabuti na lang, very understanding ang boyfriend niyang si Sen. Chiz Escudero sa problemang dinaranas. Sa halip na gatuÂngan ang gulo, ang senador pa ang pilit umiintindi sa sitwasyon at nagsabing matatapos din ang problema.
Pero sa totoo lang, may mga naninira pa rin kay Sen. Chiz lalo na’t mataas pa rin ang puwesto niya sa mga survey. Pero, ’ika nga, you can never put a good man down!
Benjamin tinuruan ni Direk Gina na magkontrol sa emosyon
Pinagsabihan din ni Direk Gina Alajar si Benjamin Alves pagdating sa pagko-control ng emosyon sa mga matitinding emosyonal na eksena sa taping.
“Kailangan may control ka pa rin sa sarili mo. Kontrol sa emosyon mo physically,†sabi ni Direk Gina sa taping ng Unforgettable.
Alam ng actress-director na hindi maiiwasan minsan ang sumobra ang emosyon sa eksena.
“Minsan may aksidente pero alam mo naman na hindi sinasadya kasi minsan, may fight scene sina Polo at Kevin. Nasuntok ni Polo si Kevin. Just because may maling number, maling choreography! But then na-settle na rin ’yon. Nagkasakitan kasi talaga. Kumbaga, adlib na. Hindi ganun ’yung ni-rehearse. Hahaha!†kuwento pa ng direktora.