MANILA, Philippines - Grabeng ma-in love ang isang may asim pang aktres na kahit alam niyang ex-boyfriend ng mga bading ang kanyang kinahuhumalingan ay wala itong pakialam. Hindi raw naman kasi niya pakakasalan kundi titikman lang.
So, no wonder na hindi siya seryoso sa kasal dahil alam niyang hindi naman sila magtatagal.
Sen. Lapid nakipag-reunion kay Lady Grace
Matagal din bago nakumbinsing mag-comeback sa limelight si Sen. Lito Lapid. Feeling niya, pawang mga bagets na lang ang mga naglipana ngayon lalo na sa television. Pero hindi nakatanggi si Lito noong malamang maaksiyon ang gagawin na Little Champ at puwede pa niyang makasama uli ang paboritong si Lady Grace.
Sino si Lady Grace? Siya ’yung white horse na ginagamit niya sa mga nakaraang pelikula na may kasama siyang kabayo. Kuwento ni Sen. Lito, pareho silang balik-telebisyon ngayon.
Aliwan Fiesta ng MBC hindi magaya ng DoT
Bongga ang nakaraang Reyna ng Aliwan (Festival Queen) ng Aliwan Fiesta 2013 ng Manila Broadcasting Corporation (MBC). Si Jamie Herrell ng Sinulog Cebu ang nanalo ng P500k. Ginanap ito sa harap ng Aliw Theater malapit sa Star City sa may Roxas Boulevard, Pasay City at pinangunahan ng event president na si Jun Nicdao at ng MBC owner na si Juan Elizalde.
Ika-apat na taon nang taga-Cebu City ang nanaÂnalo. Kahit ang celebrity guests na sina Bryan Termulo at Alden Richards ay hindi nakapagsalita sa sobrang admiration sa kagandahan ni Jamie.
Fifteen floats ang sumali ngayong taon, kasama ang mga street dancer ng iba’t ibang bayan. Bakit kaya walang ganitong okasyon ang Department of Tourism o DoT para masaksihan naman ang kagandahan ng Pilipinas? Bakit wala silang katulad ng inumpisahan ng MBC na dinadagsa ng mga nanonood ng taunang parade?