Abra itinangging kinokopya si Gloc-9
Pinag-uusapan na rin lang ang kutis, napansin ko rin na baby face pala ang baguhang rapper na si Abra sa Earthday Jam 2013 presscon kamakailan. Mapapagkamalan pa siyang teenager dahil mababa rin ang height niya. Kaya lulusot siyang magbigay ng showbiz age kung gugustuhin pero inamin niyang 24 years old na siya. “He reminds me of Francis Magalona,†ang intro ng Earthday Jam concert producer na si Lou Bonnevie ng ipakilala si Abra o Raymond Abracosa sa media. Ang naalala siguro ni Lou sa bagets na rap artist ay ang maputi at baby face ring mukha ni Francis M. Pareho rin kasing matangos ang ilong ng yumaong Master Rapper at ni Abra. Simpleng ngiti lang ang sukli ni Abra na halos wala pang kamuwang-muwang sa eksena. Pero bago nagkaroon ng ilang TV guestings na nauna sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice at maging bahagi ng soundtrack ng Juan dela Cruz ay napasabak na sa underground scene at madalas na emcee sa FlipTop rap battle ang boyish na hiphop. Inaabangan na lang ang ganap na pagputok niya sa mainstream scene. Dahil ang istilo niya ng pagra-rap na sobrang bilis at Tagalog ay mas katulad ng kay Gloc-9 at hindi naman kay Francis M., natanong sa kanya na baka ang tinatapatan niya talaga ay si Gloc-9. “Hindi po. Idol ko po ‘yun,†matipid na sagot ni Abra na naka-smile pa rin. * * * May ipare-rebyu? E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com