^

Pang Movies

Vilma hindi mai-promote ang Ekstra!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naman sa nag-aalala pero nahihiya rin si Governor Vilma Santos sa kanyang mga producer ng indie film na Ekstra dahil sa ngayon ay hindi nga siya makatulong sa promo ng kanyang pelikula. May media ban kasi at hindi siya maaaring maglalabas-labas sa TV at baka makuwestiyon pa siya. Alam naman ninyo si Ate Vi, wala nga halos kalaban sa Batangas pero ang mga kalaban niya ay may pag-asa kung makakasilip sila ng kaso for disqualification. Iyon lang naman ang pag-asa nilang talunin si Ate Vi sa Batangas.

Kung sabagay, alam naman ng producers niya sa simula pa lang ang tungkol sa media ban at saka araw na rin lang naman ang natitira, eleksiyon na, tapos na rin ’yan. Kaya lang sa pagod naman ni Ate Vi sa pagkakampanya, hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga kasama niya sa partido, kailangan muna sigurong magpahinga siya ng ilang linggo. Pagkatapos ay sinasabi nga niya na hindi siya makakaalis ng Kapitolyo ng mga tatlong buwan pero puwede namang doon na gawin ang mga television interview. Dinarayo naman siya talaga roon ng entertainment press.

Pero sa palagay namin, makapag-promote man ngayon ng pelikula si Ate Vi o hindi, hindi pa rin naman mapu-pull out ang kanyang pelikula sa mga sinehan. Ilalabas lang naman kasi iyon sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Cinemalaya filmfest at saka sa isa pang venue sa Trinoma. Limited nga lang ang screening nila eh. Kaya ang promo ni Ate Vi dapat ay sa Agosto na kung kailan papasok na ang Ekstra sa commercial theater circuits. Pero alam ba ninyo bang ang tentative booking nila ay 70 sinehan at ’yan ay isang indie film lamang ha?

Ang ibang indie film hindi nga mai-book sa mga sinehan kahit na noon. Nakakuha lang ng sinehan noong isali sa film festival, na-pull out pa.

Kasal nina Ai-Ai at Jed, maraming kailangang ayusin para maging balido sa ‘Pinas

Finally, inamin na ni Ai-Ai delas Alas na nagpakasal nga siya sa Las Vegas, Nevada sa kanyang boyfriend na si Jed Salang. Okay kasal na sila, pero teka, dapat siguruhin nila na ang nagkasal sa kanila sa Las Vegas ay nag-report sa ating embassy sa Washington para maipadala ang records ng kasal sa Pilipinas at mairehistro sa civil registrar. Kung hindi ay kasal sila sa Las Vegas, pero hindi sa Pilipinas.

Magkakaroon pa rin sila ng mga problema pagdating ng araw na dinaranas ng mga nagsasama nang hindi kasal. Una nga, hindi magiging conjugal ang kanilang properties. Hindi rin maaaring mag-file sila ng joint income tax. Kung magkaka-anak sila, hindi automatic na anak nilang dalawa ang bata. Marami pang prosesong dadaanan dahil hindi sila kasal dito sa Pilipinas.

Eh ang kasal naman sa Las Vegas parang laruan lamang. Hindi ba noon ay nabalitang nagpakasal din doon si Nora Aunor sa kanyang dating manager na tomboy? Pero wala namang bisa iyon eh sa simula pa lang. Siguro nga trip lang iyon.

Dahil sa sustentong ‘di maibigay, tunay na asawa nang kinakasamang aktres nagbabantangmagpapa-interview sa podcast

Ginugulo na sa kanyang cell phone ng tunay na asawa ng kanyang boyfriend ang isang aktres. Hindi raw kasi naibibigay ang sustento sa kanilang pamilya, kapalit ng kanyang pananahimik kahit na makipag-relasyon ang kanyang asawa sa aktres.

Nagbabanta na raw iyon na kung hindi maibibigay ang hinihingi niyang pera ay magpapa-interview sa isang podcast na nakakarating sa Pilipinas para ibuking na ang lahat. Sige naman, please!

ATE VI

KANYANG

LANG

LAS VEGAS

NAMAN

PERO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with