^

Pang Movies

Kahit nilasing-lasing na aktres luhaan, hindi nagtagumpay sa planong akitin ang maimpluwensiyang tao!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Knows ko na ang identity ng aktres na nag-try na i-seduce ang isang kilalang personality.

Ang kuwento, nilasing-lasing ng hitad ang personalidad dahil type niya.

Nabigo at umuwing luhaan ang aktres dahil wa epek ang pagpapa-charming niya.

Kasi naman, mahina ang gaydar ng aktres dahil hindi nito naramdaman na kapwa mhin ang type nang inaakit niya.

Hindi nagtagumpay ang aktres sa kanyang balak na masama. Napurnada ang pangarap niya na maging po­werful dahil very influential ang mhin na kanyang sinubukan na targetin.

Editha Burgos indie film pag-uusapan na

Sa April 13 ang tentative date ng story conference ng Editha Burgos, ang indie movie na pagbibidahan ni Lorna Tolentino.

Wish ko lang, gabi ang storycon para makapunta ako dahil araw ng Sabado ang April 14 as in Startalk day ito.

Miguel Vera dedma sa pagpapakasal ni AiAi

Alam ni Miguel Vera na nagpakasal ang kanyang ex-partner na si AiAi delas Alas pero no comment siya nang tanungin ang reaksiyon niya.

Ang alam yata ni Miguel, secret ang civil wedding na nangyari sa Las Vegas, Nevada noong April 3.

Unknown kay Miguel na hindi na lihim ang kasalan portion dahil inaamin na ito ng bagong kasal.

Marunong talaga si Miguel na magtago ng secret.

Hindi maganda ang paghihiwalay noon nina Miguel at AiAi pero ngayon sila ang best of friends. Hindi naman forever na stranger sila dahil sa mga anak na nagbibigkis sa kanila.

Matutupad sa Dec. 8 ang pinapa­ngarap na church wedding nina AiAi at Jed.

Nagplano ang dalawa na magpakasal sa simbahan noong December 2012 pero hindi natuloy dahil sa busy schedule ni AiAi.

Hopefully, matutuloy na ang church wedding sa December 2013 dahil walang reason para ma-postpone pa ang kanilang balak.

Nora Aunor balik never…

Bumalik na si Nora Aunor sa set ng Never Say Goodbye.

Matagal na nawala ang karakter ni Nora sa te­leserye ng TV5 dahil nagpunta siya sa Amerika at gumawa ng isang indie movie.

Binuhay uli ang role ni Nora sa Never Say Goodbye dahil hindi naman tsinugi ang kanyang karakter nang mag-disappearing act ito.

vuukle comment

DAHIL

EDITHA BURGOS

LAS VEGAS

LORNA TOLENTINO

MIGUEL

MIGUEL VERA

NEVER SAY GOODBYE

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with