^

Pang Movies

Jennica nalagpasan na ang mga pagsubok sa relasyon sa BF

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang mairereklamo si Jennica Garcia sa kanyang love life. Tahimik at na-survive na nila ni Alwyn Uytingco ang mga intriga kaya masayang-masaya sila sa isa’t isa.

Kitang-kita naman kay Jennica na sobra itong masaya sa kanyang buhay pag-ibig at pati ang mga magulang niya ay pabor na sa kanyang boyfriend.

“Between kina mama (Jean Garcia) at papa (Jigo Garcia), si mama ang mabilis mag-react sa mga tsismis. Kapag tinawagan na niya ako, ibig sabihin may nalaman ‘yan at inaalam niya kaagad sa akin.

“Okay lang naman ‘yun kasi pinapakita ni mama ‘yung concern niya sa akin. Natural lang naman sa mga mother iyon.

“Si papa naman, dedma lang siya. Kahit alam kong alam niya, hindi siya ‘yung reaction agad tulad ni mama. It only means that papa trusts me with everything. Kapag nagkita na lang kami siya nagtatanong sa akin,” kuwento ng Kapuso actress.

Ibinalita rin niya na mas bumibigat na ang role niya bilang Ofelia sa afternoon drama series ng GMA 7 na Bukod Kang Pinagpala.

Sa mga ipapalabas na episode, hindi na siya kilala ng kanyang anak-anakan na si Lara dahil nagkaroon ito ng amnesia sanhi ng isang aksidente at ang pangalan na nito ay Cindy.

Malaki ang kinalaman ni Bessie (Camille Prats) sa bagong katauhan ni Lara dahil nais na niyang ilayo ito kina Ofelia at sa tunay nitong inang si Janet (Jackie Rice).                   

 

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

BUKOD KANG PINAGPALA

CAMILLE PRATS

JACKIE RICE

JEAN GARCIA

JENNICA GARCIA

JIGO GARCIA

KAPAG

LARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with