GMA Films, Regal mahina sa brainwashing
Nakatatak na sa isip ng mga moviegoer na basta gawang Star Cinema ay dekalidad at masarap panoorin. Pati ang mga bida sa kanilang mga pelikula ay leading box-office stars at ang director ay kabisado na ang timpla kung ano ang papatok sa takilya.
Eksperto rin sila sa brainwashing. Kahit sa isang buwan pa ang playdate, maingay na ang forthcoming movie pinag-uusapan at inaabangan. Kasi maya’t maya na ang pagpapalabas ng trailer o teaser ng kanilang mga TV shows. Pati nga sa mga news program ay gumagawa sila ng mga anggulo upang masali ang pelikula sa balita.
Ang pagkakalagay kay Boy Abunda sa late-night news show ay nagbigay puwang upang magkaroon ng in-depth interview ang mga artistang may ipapalabas na pelikula o may sisimulan na bagong teleserye. Siyempre nakababad din ang mga star sa mga talk show. Kaya paglabas ng pelikula, certified blockbuster!
Nasubaybayan ba inyo ang promo blitz ng My Lady Boss ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc.? Naging sapat ba ang plugging nila sa mga TV show ng network lalo na sa Eat Bulaga na garantisadong milyones ang nanonood? Na-feature rin ba sa mga news program ng GMA 7 sina MaÂrian Rivera at Richard Gutierrez?
Sa ABS-CBN, kahit sabihin pang co-prod ito with Viva Films o ibang kumpanya, todo pa rin ang ayuda. Kahit nadagdag na ngayon ang mall tour sa pagpo-promote ng pelikula ay higit na importante pa rin ang TV. Kung pawang ‘‘oo’’ ang sagot sa ating mga tanong sa itaas, tiyak na box-office hit ang My Lady Boss na ilang araw na lang ay magbubukas sa mga sinehan.
Aktres nag-iilusyon na kinukuhang int’l star kahit lubog na
Ilusyon lang ng isang aktres na siya ay kinukuha ng isang worldwide taÂlent agency upang maging international star. Hindi naman gumagamit ng bawal na gamot o lumalaklak ng alak ang artista upang magkaroon ng delusions of grandeur.
Isa pang kailangan ay professional help. Dalhin ninyo dahil baka makita natin ang local version ng Sunset Boulevard, isang Hollywood movie noong panahon ni Mama Monchang na tungkol sa nalaos na artista.
Starlet nagmamadaling lumayas sa network dahil ayaw nang maging second lead lang
Nakalipat na pala sa kabilang network ang isang starlet kahit wala pang maipahayag na formal contract-signing. Nagmadali ng pag-alis sa dati niyang home network ang aktres dahil umiiwas siyang maging second lead muli sa isang bagong teledrama. Ang ayaw pa niya, pareho lang ng importance ang papel na ibinigay sa kanya sa isang hindi pa sumisikat na kapwa starlet.
Kapag hindi pa umangat ang kanyang career sa bagong tahanan, talagang pang-second lead lang ang kanyang beauty!
Marvin pagkakakitaan ang ipinrodyus na show
Magsisimula na today, Lunes (11:15 a.m.), ang bagong Karinderya Wars hosted and produced by Marvin Agustin. Sa malalaking sponsors tulad ng Alaska, Knorr, at Melaware ay masasabing kikita na sa show ang chef/restaurateur/actor.
Idagdag pa rito ang mga magpapasok ng commercial sa Karinderya Wars na ibang klaseng cooking business show sa TV5. With nine talented finalists, every week may tatanggaling isa sa kanila kaya’t pagkatapos ng siyam na linggo, isa na lang ang tatanggap ng mga premyong mahigit sa isang milyong piso, in cash and in kind.
Maja hindi tatandang dalaga
Hate na hate ng fans ni Sarah Geronimo si Maja Salvador kaya’t maraming mga negang salita ang ikinakabit sa current girlfriend ni GeÂrald Anderson.
Maigsi lang ang depensa ng friends and fans of Maja: “Sure kami, hindi siya tatandang dalaga!’’
G Toengi masyadong conscious sa nipples
Sobrang conscious si G Toengi sa pagsilip ng kanyang utong sa isang sexy pictorial. Disenteng-disente nga naman ang role niyang fighting lawyer sa Bayang Magiliw ni Gil Portes, pagkatapos madadawit siya sa kalaswaan.
Hiniling niyang tanggalin na lang ang nasabing photo sa nasabing pictorial kahit sabihin pang naging lactating mother na rin siya.
In fairness kay G, mahusay ang pagganap niya sa indie film ni Portes about RH Bill at natapatan niya ang galing ni Wendell Ramos na gumanap ng babaerong mayor, na tumakbo ng hubad sa daan. Walang pagtakbo ng hubad si Giselle sa drama/comedy film.
- Latest