MANILA, Philippines - Kilala sa kanyang astig na hiphop moves, seven years old lang ng manalo sa SQC Kids contest sa ABS-CBN si Bugoy Cariño. At ngayong 10 years old na siya, isa na namang tagumpay ang nakamit ni Bugoy ng manalong best supporting Actor sa nakaraang ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) para sa pelikulang Alagwa. Gumanap si Bugoy bilang Brian, isang nine years old na naging biktima ng kidnap at nasangkot sa isang human trafficking syndicate.
Sa ilalim ng direksiyon ni Ian Loreños, nagkuwento si Bugoy ng kanyang experience habang ginagawa ang pelikula.
“Sobrang nag-handa po kami. Tinulungan po ako ni Kuya Echo (Jericho Rosales, na nominated sa Best Actor category) mag-focus. Magaling po talaga si Kuya Echo.â€
Ayon pa kay Bugoy ay sobrang excited siya sa pelikulang ito kahit na dalawang araw lang kinunan ang kanyang mga eksena.
“Magse-celebrate po kami soon nila Kuya Echo. Sobrang proud po siya sa akin,†sabi ni Bugoy.
Mapapanood si Bugoy tuwing Sunday sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Matatandaang nanalo na rin si Bugoy ng Best Child Performer of the Year award sa nakaraang 29th PMPC Star Awards para sa parehong pelikula.
Abangan ang pagtanggap ni Bugoy ng kanyang AIFFA Best Supporting Actor award ngayong Linggo, April 7, sa ASAP 18.