Sanay na si Ms. Melody Yap kung paano pagÂkaguluhan ang mister niyang si Richard aka Papa Chen o si Ser Chief ng Be Careful With My Heart na morning top-rating drama series ng ABS-CBN. Kaya nang ang dami na namang nagÂkagulo sa press launch ni Richard with young star Daniel Padilla as the endorsers of Amigo Segurado Spaghetti & Macaroni, napapangiti na lamang si Melody.
Natanong tuloy si Richard kung paano niya napapanatili ang kanyang magandang katawan lalo pa at very busy siya ngayon sa taping at out-of-the-country shows. In fact, kababalik lamang nilang mag-anak, Melody and their two kids, from Abu Dhabi and Dubai to thank their fans there ni Jodi Sta. Maria.
Sinisiguro lamang niya na tama ang mga kinakain niya dahil ni hindi siya makapunta sa gym. Daily exercise lamang siya bago pumunta sa kanyang taping o anumang work kaya natawa siya nang tanungin kung palagay niya ay sexy siya tulad ng feeling ng mga babae at kahit bading na fans niya. Wala raw sa isip niya iyon dahil naka-focus lamang siya sa kanyang trabaho at sa kanyang family.
Inamin niyang naninibago siya sa mga paghangang ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga pero naiintindihan niya kung mayroong hindi makapigil manggigil sa kanya tulad kung may bigla na lamang hahalik sa kanya. Minsan naman, hahawakan na lamang siya tulad ng isang babaeng mga late 40s na hinawakan siya at sa panggigigil ay bigla na lamang siyang sinuntok sa puwet. Hindi raw nagsalita ang babae, basta na lamang ito umalis at lumayo sa kanya.
“Na-shock lamang ako sa gesture niya pero ako naman I tried my best to be nice and very professional to everybody,†nangingiting sabi ni Richard.
Boy2 at Ronald wala pang nakikitang kapalit ng mga ex
Ang mga producer ng indie film at first production venture nilang Coming Soon ang napagtripang tanungin ng entertainment press sa grand presscon nila. Pare-pareho kasing may intriga sa kanila.
Si Ronald Singson ay dating boyfriend ni Lovi Poe, si Neil Arce ay daÂting boyfriend ni Maxene Magalona na ngayon ay si Bela Padilla na ang girlfriend. Si Boy2 Quizon ay dating boyfriend ni Rufa Mae Quinto. At kahit hindi showbiz si Jake Ejercito ay dati naman siyang boyfriend ni Andi Eigenmann.
Kung nag-produce man daw sila, hindi para makakuha ng bagong girlfriend. Ayon kay Ronald, wala pa siyang balak makipag-girlfriend dahil busy siya sa coming elections na kandidato siya muling congressman ng Ilocos Norte. Si Neil naman ay wala siyang balak palitan si Bela. Si Boy 2 ay single pa rin at si Andi ay still mending a broken heart pagkatapos na hindi na sila nagkabalikan ni Jake.
Sa April 17 ang showing ng Coming Soon pero may premiere night sila sa Greenbelt 3 Cinema sa April 15. Bukod kina Andi at Boy2, nasa cast din sina Dominic Roco, Carla Humphries, Cholo Barretto, at si Glaiza de Castro.