Jomari, hinahanap ng katawan araw-araw ang karera
Balik sa pagiging car racer si Jomari Yllana na talaga namang fave sport daw niya since he was younger. Natigil nga lang siya nang magkapamilya dahil buwis-buhay naman kasi ang hobby na ito.
“So, sabi ko noon, showbiz na lang muna, mag-aartista na lang muna ako. Pero ‘yung passion ko for this sport, hindi siya nawala,†pahayag ni Jom ng makausap namin sa launching ng Yllana Racing Car Launch last Thursday na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City.
After 11 years, muling naisip ngayon ni Jom na balikan ang fave sport dahil say niya, gusto naman niyang pagbigyan ang passion niya na mangarera ulit.
“’Yung passion lives on.’ Pag pinalampas ko siya, baka hindi ko na magawa ulit in terms of age. I’m thirty six, papunta ng forty. ’Pag pinalampas ko nakakalungkot naman na hindi ko na gagawin. Hinahanap siya ng katawan ko araw-araw.
“And number one reason din ‘yung anak ko, parang ito rin ang gustong pasukin, kasi every year tinatanong ko, ‘What do you wanna be when you grown up?’ Sabi niya, ‘Race car driver.’ Itong huli, sabi niya, ‘Artista, race car driver.’
“So, I want to be ready, sa akin, if the day comes na ’yun talaga ang gusto niyang gawin, ngayon ‘yung age na kailangan siyang i-train,†he said.
Turning fifteen years old na ang anak nila ni Aiko Melendez na si Andrei at marunong na nga raw magmaneho. ‘Yun nga lang, wala pa itong lisensiya.
Binuo ni Jom ang Yllana Racing Car para pagbigyan ang kanyang passion sa pangangarera at sa launching nga ay ipinakita niya sa media ang racing car na kanyang gagamitin. Ito ay ang YR Hyundai Genesis 001.
Sa nasabing event ay full support si Aiko dahil dumating ang aktres kasama si Andrei pati na ang anak niya kay Martin Jickain na si Martina. Nakakatuwa nga silang apat na tingnan habang kinukuhanan ng mga picture dahil para silang one big happy family.
Mukha ring love na love ni Jom si Martina at parang anak niya rin ito kung ituring.
Ayon sa aktor, siya raw talaga ang nag-request kay Aiko na isama ang mga bata.
“Special request ko ‘to, sabi ko, ‘Aiko, pakidala ang mga bata’ kasi ‘yan lang talaga ang magpapangiti sa akin,†sabi ni Jom.
Say naman ni Aiko, hindi puwedeng hindi niya pagbigyan ang hiling ng ex-husband.
“Oo naman kasi si Jom naman, ’pag may request din kami, hindi kami mahindian din. So, siyempre, nandito kami. Full support,†diin pa ni Aiko.
Samantala, gustong pasalamatan ni Jom ang kanyang mga sponsor sa Yllana Car Racing tulad ng Artuned and Haltech Philippines, Jojo Howard, Leather Design, Leather Plus, and Rapide.
Kim at Maja magkakaalaman na
Pinaka-tinutukang programa ang Gabi ng Rebelasyon episode ng No.1 family drama series ng ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak noong Miyerkules (Abril 3) na natuklasan ng buong sambaÂyanan na si Tatay Zach (Ronaldo Valdez) ang isa pang nakakaalam ng sikreto ng tunay na pagkatao nina Celyn (Kim Chiu) at Margaux (Maja Salvador).
Patunay dito ang pinakahuling datos ng Kantar Media kung saan nakakuha ang Ina, Kapatid, Anak ng 34.6% national TV ratings o mahigit 15 puntos na lamang kumpara sa dalawa nitong katapat na teÂleserye ng GMA7 na Indio (18.5%) at Mundo Mo’y Akin (17%).
Sa pagpapatuloy ng kuwento, next week ay malalaman na nina Margaux at Celyn at ng buong pamilya na kambal sila.
- Latest