Jomari magtatayo ng sariling int’l racing school, anak namana ang hilig sa karera
Bukod sa pagiging busy ulit ni Jomari Yllana sa pag-arte sa telebisyon ay nagbabalik ulit siya sa kanyang matagal nang hilig at iyon ay ang car racing. Isa siya sa nagpakita ng kanyang bagong racing car na GT 300 sa ginanap na Yllana Racing Launch sa World Trade Center sa Pasay City kamakailan bilang part ng 9th Manila International Auto Show (MIAS).
Teenager pa lang kasi ang aktor ay nahilig na siya sa kotse at ang pagkarera ang kanyang naging sport.
“Basta may ibang high siyang ibinibigay sa akin whenever hawak ko na ‘yung manibela at kumakarera na ako. Noon nood-nood lang ako. Until it became my dream.
“In 1997, I was trained by the best Japanese team then. Kaya nga I grabbed the opportunity. Peg ko noon si James Dean. Naranasan ko naman that time na maging Rookie of the Year.
“Para kasing umangat ako ng two years sa class that I belonged to. Meron ding time na nag-first runner-up ako. Sa tatlong huling taon ko in racing noon before nagtuluy-tuloy na talaga ako sa showbiz may prestige naman akong natatanggap sa competitions that I joined,†kuwento ni Jomari.
Ang anak niyang si Andre ay nagmana sa kanyang passion for car racing.
“My ultimate dream din is to be able to put up an international racing school. If Andre wants to do it I would rather that gawin niya ito not as a hobby kasi mahal. Hindi naman because I am depriving him. Ang sa akin, ‘yung maipagpapatuloy niya ito for a long time na gusto niya. Because of the plan nga to have a school,†sabi ng aktor.
Ang pagiging busy ulit ni Jomari sa acting ay nagsimula sa special role sa Indio. Ngayon ay kasama rin siya sa afternoon drama series ng GMA 7 na Kakambal ni Eliana bilang ama ng bidang si Kim Rodriguez.
Richard, pa-raket-raket lang ang pangarap bago naging big star
Ang laki nang nagawa para sa dating simpleng office employee na si Richard Yap ang pagkakaroon ng showbiz career. Hindi niya pinangarap na maging isang malaking artista at paraket-raket lang ang gusto niya.
Pero nakatakda ngang maging “star†siya kaya after niyang makilala at pagkainteresan bilang si Papa Chen sa My Binondo Girl, mas lumaki ang pangalan niya dahil sa role bilang si Ser Chief sa Be Careful With My Heart.
Ngayon ay major endorser na rin siya at kasama niya si Daniel Padilla bilang celebrity endorser ng Amigo Segurado Spaghetti & Macaroni.
Ikinatuwa ni Richard ang tiwala na ibinigay sa kanya bilang endorser. Malaking bagay iyon sa kanyang pagiging isang celebrity ngayon.
In real life ay marunong talagang magluto ang aktor at kabilang nga ang pasta dishes na hilig niyang iluto para sa kanyang pamilya.
Mark Anthony pinag-iingat si Alma sa sakit
Maganda nga ang naging chemistry nila Mark Anthony Fernandez at Camille Prats kaya maayos nilang nagagawa ang mga mabibigat nilang mga eksena sa afternoon series ng GMA 7 na Bukod Kang Pinagpala.
Say nga ng actor-dancer, simula noong magkasama sila ni Camille sa Munting Heredera, naging magaan na sa kanilang dalawa ang mga ginagawa nilang mga dramatic scenes.
“Parang alam na naming dalawa ang gagawin ng isa’t isa. Especially sa heavy scenes namin.
“Before kasi makikiramdam pa ako sa iaarte ng kaeksena ko. But with Camille, alam ko na ang gagawin ko.
“Kumbaga basang-basa ko na siya. Alam ko na ang magiging reaction niya sa mga scene namin.
“Kaya magaan siyang katrabaho. Wala akong nagiÂging problema kapag si Camille ang kasama ko,†ngiti pa ni Mark.
Tutulong si Mark sa kampanya ng kanyang inang si Alma Moreno na tumatakbo bilang konsehal sa Parañaque City.
Nagbigay na nga ang aktor ng schedule sa mga tauhan ng kanyang ina kung kelan siya libre para maÂkaÂsama siya sa pag-ikot sa ilang mga barangay sa Parañaque.
“Alam naman ni mama na todo suporta ako sa kanya anytime. Basta wala akong work she can be assured na nandoon ako for her,†sabi ni Mark.
“Ang worry ko lang kay mama ay ang ma-stress siya. Lagi ko naman pinapaalala sa kanya na mag-ingat siya para hindi siya atakihin ng sakit niya. But knowing mama, kaya niya ang kahit na anong stress na dumating sa buhay niya.â€
- Latest