Surely, mami-miss ng mga regular viewer ng programang Face to Face on TV5 si Gelli de Belen, who, for the last seven months ay tumayong ‘‘kapitana’’ ng programa.
Gellie had to substitute for Amy Perez dahil nagbuntis nga ang original host. January of this year nang ipinanganak ni Amy ang kanyang pangatlong anak. Pawang mga lalaki ang kanyang anak.
That Gelli did well bilang replacement ni Amy for a time is a given. Although not naman in the expense of Amy. Both have their individual style of attacking their job. Halimbawa, si Gelli, may pagka-too honest sometimes with her reaction sa problema ng guests ng programa. So much so na nagiging too honest siya for comfort.
Eh somehow nakaka-relate siya sa kung anumang reaction din mayroon ng manonood. Sabi nga ng isang pamangkin kong regular viewer ng Face to Face, “Mami-miss ko si Gelli.â€
Amy, on the other hand, tends to be diplomatic. Wari mo’y ‘di lang siya nakikinig sa problema ng guests. Ina-absorb niya ang bawat reklamo ng mga nasa studio na karaniwan ay pampamilya.
Inamin ni Amy, na kadalasa’y ’di niya maiwasang makipag-emphasize sa kanyang guests lalo’t ang problema ay tungkol sa relasyon ng mag-asawa.
Ayon kina Amy at Gelli, malaking tulong ang naririnig na expert advice ng mga problemadong guests sila, na kung tagurian ay Trio Tagapayo. The trio is composed of experts in their respective fields such as Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta and her lawyer husband Benedicto Acosta, Jr., mga legal expert na sina Fr. Sonny Merida, spiritual adviser, at Dr. Camille Garcia, resident psychologist.
Not to be discounted are the Premiero SawsaweÂro na pumipila palang lahat para makasama, sabi nga, ng pinaka-sawsawero among them all na si Hans Mortel.
At the presscon for Face to Face, ‘di pa tiyak ni Amy na dahil balik nga siya sa pagho-host ng program, ‘di na siya mapapanood sa showbiz talk program sa The Latest Update. Ang tiyak daw na mare-retain na isa pa niyang program ay ang Good Morning Club also on TV5.
Gelli, on the other hand, will soon co-host a kiddie show with Ryan Agoncillo, again, on TV5.
Gelli pinakamalaking poproblemahin kay Ariel ang pambubugbog at pambababae
Asked nga pala what Gelli would advise her elder and only sister Janice de Belen and Janice’s ex-husband, John Estrada, dahil sa open declaration ni JaÂnice na she’d rather not say not have anything to do with John anymore, sabi niya she’d rather not comment, too.
Unlike Janice, mukhang wala problema si Gelli sa kanyang buhay may-asawa. Sabi nga ni Amy, na inayunan of course ni Gelli, napakabait ni Ariel Rivera, na minsan na rin daw niyang nakatrabaho noong sa ABS-CBN pa siya.
Asked what Gelli would consider na magiging big problem niya with AÂriel na ikagagalit niya ng labis, siguro raw kapag sinaktan siya nito. O kaya ay mambabae ito.
Sa kaso ni Amy naman daw, iyon din siguro ang problemang posibleng ‘di niya mapatawad sa ama ng kanyang dalawang younger sons, si Carlo Castillo. Kung saka-sakali.
Ganun pa man pareho pa ring naniniwala ang dalawa na kahit pinakamabigat na problema ng mag-asawa ay ‘di puwedeng ’di masolusyunan kapag pinag-usapan ito.
Accountant ni Solenn sabit sa kaso sa BIR!
May kaso sa Bureau of Internal Revenue (BIR) si Solenn Heussaff na tax evasion dahil sa pagkabigo na mabayaran ang buwis na isang paglabag sa Tax Code.
Sabit din ang kanyang Certified Public Accountant (CPA) na si Teofilo Magno, Jr. na nag-certify sa financial statements ng kanyang kliyente.
Sa record ng BIR, si Heussaff na multi-talented performer at celebrity endorser ay kumita ng P13.38 million noong 2011 pero ang naideklara lamang ng kanyang CPA ay kumita lamang ang aktres ng P6.73 million noong 2011 batay sa naideklara sa kanyang Income Tax Return (ITR) para sa taong 2011. Lumalabas na may P3.6 M na tax liability ang naturang aktres noong 2011.