^

Pang Movies

Nagpasikat sa kantang I Will Survive may concert sa bansa

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Bakit kaya pinabayaan ni Dionne Warwick na masaid ang ipon niya gayung puwede pa naman siyang makakanta? Hindi niya ginaya si Gloria Gaynor na  nasa Pilipinas para mag-concert ng dalawang magkasunod na gabi pa, April 5 at 6. Isang taon lang ang agwat nila sa isa’t isa pero mas bongga ang Lola Gaynor ‘di ba?

Kung kay Gloria ay may nag-imbita pa, lalo naman siguro kay Dionne dahil marami siyang pinasikat na kanta mula sa magagaling na songwriters. Bentahe pa niya ang pagiging pinsan ng yumaong Whitney Houston. Pero kung si Dionne mismo ang ayaw nang mag-perform, wala na ngang magagawa ang mga producer.

Si Gloria naman, bukod siguro sa kaya pa niya talagang kumanta, ay baka hilig niya talaga ang mag-tour lalo na kung sa ibang bansa. Baka mas madali rin siyang imbitahin at walang diva attitude.

Pinakasikat na kanta ni Gloria Gaynor ang I Will Survive at hanggang ngayon ay kinakanta-kanta ito kahit ng mga bagets. Salamat sa hit na remake ng R&B-Disco singer na si Chantay Savage at sa rock bands ding nag-record nito, ang R.E.M. at Cake.

Siya rin ang kumanta ng I Am What I Am.Ayala Museum nagpapa-concert na rin!

Ang galing ng Ayala Museum sa Makati City sa ginagawa nila ngayong series of shows para mas mapalapit sa mga tao at puntahan sila, may exhibit man o wala. Katulad na lang ng tinatawag nilang The Rush Hour Concerts (A Different Traffic Jam).

Kamakailan lang nila inumpisahan ang  pag-iimbita ng iba’t ibang musikero para tumugtog sa museum. Hindi naman pang-masa ang mga artist nila at may kamahalan din ang P300 na entrance fee pero dahil sa bigay nilang entertainment sa mga napapadaan lang ay isang malaking bagay ito at ayos na rin sa bulsa. Isang paraan din ‘yun kasi para maging curious ang mga tao at sumilip man lang.

Tamang-tama dahil ang The Rush Hour Concerts -- 6:30-7:30 p.m.. -- ay malapit sa oras ng labasan ng mga nag-oopisina pero sila ‘yung mga ayaw pang umuwi at nag-iikot muna para makaiwas sa traffic.

Maaaring mapanood sa museum ang bibihirang makitang Manila Symphony Orchestra. May schedule ring Music for Strings sa April 4, Music for Woodwinds sa April 18, at Music for Brass & Percussion sa May 2 ang Ayala Museum.

Para sa takdang araw ng Manila Symphony Orchestra, alamin na lang sa venue mismo dahil to be announced pa ang sked nila.

Political jingle kabi-kabila ang ingay

Pinatapos lang ang Kuwaresma at ngayon ay kabi-kabila na ang ingay ng mga political jingle sa lahat ng kalye.

Kung tutuusin ay talagang nakakatulong na matandaan ng botante ang pulitiko sa pakikinig lang ng paulit-ulit na kanta nila. Kahit pa nga siguro hindi na makita ang kalat-kalat na poster nila at kung anu-anong papel. Makakabawas pa ‘yun sa paper production.

Ang karamihang ginagamit ay spin-off na ng mga kantang sumikat, luma’t bago, dahil ‘yun ang mabilis makaengganyo sa pandinig ng masa. May kanta mula sa Hagibis hanggang sa Cha-Cha song ni Ryzza Mae Dizon. 

Isa lang ang problema: Ang ingay. Mas marami na ang nakaka-afford magpagawa ng jingle at magbayad para iikot ang tugtog na dala ang pangalan ng kandidato kaya mas marami na ang makukulit na tugtog sa mga daanan.

Sabi nga ng isang kapitbahay, mabuti raw sana kung maganda sa pandinig ang mga kinakanta at kumakanta.

* * *

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

A DIFFERENT TRAFFIC JAM

AYALA MUSEUM

CHANTAY SAVAGE

GLORIA GAYNOR

LANG

MANILA SYMPHONY ORCHESTRA

RUSH HOUR CONCERTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with