^

Pang Movies

Aktres na sinasaktan ng sariling anak, walang nakikisimpatya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang nakikisimpatiya sa aktres na tumalak nang tumalak sa Facebook dahil nag-away sila ng kanyang anak.

Parehong nagdusa ang mag-ina sa kanilang away na umabot sa pisikal na sakitan. Lumayas na ang anak sa bahay ng kanyang ina.

Hindi rin niya pinatulan ang pagtalak sa Facebook ng nanay niya. Nag-post lang ang bagets ng  “Asking for sympathy on Facebook? Pathetic.”

Swak na swak ang statement ng bagets dahil tunay na pathetic ang mother niya na nagtakwil sa kanya.

Sa totoo lang, wala nang pumapatol sa mga drama ng aktres na marami nang beses na nasangkot sa mga eskandalo.

Sinayang ng hitad ang magaganda at malalaking opportunity na dumating sa kanya.

May ugali siya na ang ibang tao ang sinisisi sa pagiging miserable ng buhay niya. Kung may dapat sisihin, siya lamang at wala nang iba.

Showbiz back to normal na

Back to normal ang showbiz kahapon. Itsurang mainit ang panahon, lumabas ako ng bahay dahil nag-attend ako sa weekly meeting ng Startalk na off the air noong Black Saturday.

Tungkol sa pagbabati ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes ang isa sa mga topic sa weekly meeting ng Startalk. So alam n’yo na mapapanood sa Startalk sa darating na Sabado ang story ng pagkakasundo ng The Sisters.

Hopefully, hindi pa luma sa Sabado ang editorial ng Startalk tungkol sa ex-couple na sina Kris Aquino at James Yap. It’s a must na mapanood ang Walang Takot Naming Sasabihin dahil ang ganda-ganda ng pagkakasulat at pag-dissect sa ne­ver ending na kuwento ng away nina Kris at James.

‘Ipad highly recommended sa mga senior citizen na tulad ko’

Believe it or not, noong Linggo lamang ako nagbukas ng TV dahil ang panonood ng mga pelikula sa Ipad ko ang inatupag ko noong Holy Week.

Na-enjoy ko nang husto ang Argo, This Means War,  You Again at ang aking favorite na Sabrina.

Dalawang version ng Sabrina ang pinanood ko, ang Sabrina na pinagbidahan nina Audrey Hepburn, Humphrey Bogart at William Holden at ang Sabrina remake noong 1995 na tinampukan nina Harrison Ford, Greg Kinnear, at Julia Ormond.

Na-realize ko na mas maganda ang remake ng Sabrina kesa sa original version at mas bonggang umarte si Harrison Ford compared kay William Holden.

Engrossed na engrossed ako sa panonood ng mga pelikula sa aking Ipad kaya dinedma ko ang phone calls ko. Hindi talaga ako nagpa-abala, lalo na sa mga tao na tumatawag sa telepono kung kailan patapos na ang mga pelikula na pinapanood ko.

Highly recommended ko sa mga senior citizen na tulad ko ang Ipad dahil puwedeng i-load dito ang inyong mga favorite movie, music, at games.

Dati-rati, luxury ang Ipad pero nang tumagal, naging necessity. May mga kakilala ako na hindi makaalis ng bahay kapag hindi bitbit ang kanilang mga Ipad dahil dito nakalagay ang mga information na kailangan nila sa work.

Hindi pa naman ako alipin ng Ipad ko. Enjoy lang ako dahil paulit-ulit kong napapanood at napapakinggan ang aking favorite movies at songs.
                                       

vuukle comment

AKO

ARA MINA

HARRISON FORD

IPAD

SABRINA

STARTALK

WILLIAM HOLDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with