Angelika at Jaclyn grabeng manakit ng mga bata

Super acting si Jaclyn Jose sa pang-aapi sa batang anak ni Angelika dela Cruz sa teleseryeng Mundo Mo’y Akin. Sinasabunutan niya ito bukod sa panlalait. Ganun din si Angelika, na halos pinapalakpakan sa pang- aaping ginagawa sa mga bata. Pero kwidaw, baka mapansin ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at baka pangaralan ang mga gumaganap.

Child abuse na kasi ang dating eh at saka hindi na uso sa lantay ng mayayaman, ’yung totoong rich and educated, ang manabunot at magmura sa kapwa. Lalo pa kung mga bata. Mistula tuloy nauulit at nababalik ang mga tema noong panahon ng Sampaguita Pictures.

Bagay naman kay Jolina Magdangal ang bida-kontrabida role. Dapat talagang ibasura na niya ang pa-sweet na role.

Niño ididirek si AJ Muhlach sa film bio ni Pedro Calungsod

Hindi sinasadya noong minsang mapasyal kami sa office ng Viva Films ay naispatan namin ang dating aktres na kilala bilang mother wonder, si Rebecca Rocha. Kausap niya si Vic del Rosario. Hindi namin pinaligtas ang pagkakataong hindi tanungin si mother wonder pagkatapos nilang mag-usap. Sabi ng mother ni Niño Muhlach, ang boy wonder noon, ay namasyal lang siya dahil namasyal din si Boss Vic noong mapunta ng Amerika sa kanyang bahay sa San Francisco, California.

Nalaman din namin mula kay Rebecca na si Niño pala ang magdidirek sa pinsan nitong si AJ Muhlach, anak ni Cheng Muhlach, sa film bio ni Pedro Calungsod. Gagawin ito ng Viva Films kaya’t busy si Niño sa pagre-research sa buhay ng Filipino saint from Cebu.

May movie rin si Onin, ang Juana C., The Movie katambal si May Paner na ididirek ni Jade Castro, ang direktor ng Zombadings. Tatlo na ang anak ni Niño na lahat ay pogi.

Hindi kaya magbabalik-pelikula rin ang Mommy Becky niya kaya kinakausap si Boss Vic? Ang alam namin ay she’s staying for good na sa Pilipinas. Nag-birthday kamakailan ang dating aktres at sa simbahan ng Manaoag, Pangasinan siya nagsimba. Deboto pala siya ng patron saint ng probinsiya.

Christian napagod sa kakakanta sa Kapamilya

Pagod marahil si Christian Bautista sa kakakanta kaya nag-decide na lang lumipat ng Kapuso. Natoka kasi siya sa mga kantahan sa Dos.

Gusto na pala kasi niyang umarte. Hindi naman dapat pagdudahan ang acting nito dahil nakapasa nga sa isang international TV show with Karylle ’di ba? Ano pa kaya kung local na teleserye? Gusto naman niyang makagalaw pa. Tama lang, Christian.

Show comments