Christian hindi pa ‘naghihimala’ sa pinasukang show

Isang insider sa Sunday noontime show ng Chan­nel 7 ang nagsabi sa amin na walang himalang naganap nang pumasok sa ka­nila si Christian Bautista. Ibig sabihin, walang nagbago sa ratings. In fact, sinasabi niya na wala naman talagang nagbago sa ratings simula nang magpasukan sa kanila ang mga singer mula sa kalaban nilang show, ang ASAP.

Ngayon tatlo na ang former ASAP ar­tists na lu­mi­pat sa kanilang show, sina Ra­chelle Ann Go, Mark Bautista, at Christian Bau­tista nga. 

Lahat naman ay ginagawa na nila para mag-rate. Sinubukan na nga nilang magpa-sexy din kaya naparusahan tuloy sila ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at ang mga se­nior staff ng show ay pinag-attend pa ng gen­der sensiti­vity seminar ni Chairman Toto Villareal. Pero ganoon nga, number two pa rin sila sa ratings.

Siguro nga hindi solusyon ang pagda­dag­­dag ng stars para mapataas ang ratings ng isang show. Siguro nga ang dapat nilang pag-isipan ay ang pagbabawas ng stars sa kanilang programa dahil napakarami ng mga ar­tista sa kanila, nawawala na ang va­­riety. Ang mga guest nila ay hindi na ma­kakanta ng solo. Kailangang makipag-group singing na lang sa mga regular nila dahil napakarami nga nila.

Hindi namin sinasabi kung sino pero baka naman may mga tao sa kanilang show na hindi na rin gustong makita ng publiko. Baka naman ang mga tao ay sawa na rin sa iba nilang artista na palaging nakikita roon kahit dapat ay mag-retire na.

Hanggang hindi nagpapalit ng buong cast ang show nila, iyon pa rin ang dati at lumang show nagpalit man sila ng pangalan at nagdagdag man ng marami pang stars.

Mark at Ynna nagkapaliwanagan

Inamin ni Mark Herras na totoo ngang may pagkakataong hinamon na siya ng kanyang long-time girlfriend na si Ynna Asistio na mag-split sila dahil na­wawalan na siya ng panahon para sa girl­friend. Pero ipinaliwanag naman niyang iyon ay dahil sa kanyang trabaho.

 Bukod kasi sa kanyang mga regular show, na­dag­dagan pa siya ng isang drama series ngayon na kung ilang araw din naman sa isang linggo ang ta­ping. Pero ngayon ay mas nagkaka­intindihan na yata silang dalawa.

Aktor na wala nang trabaho balik sa dating gawi

Matagal na kasing walang assignment mula sa network ang isang aktor kaya hindi rin naman siya masisisi kung nagbalik na naman siya sa dati niyang sideline.

Noong isang gabi, habang nagka-kape kami sa isang coffee shop, nakita naming dumaan sa labas ang aktor kasama ang isang mukhang kagalang-galang namang matandang lalaki na obviously ay bading naman.

Ganun na naman ba siya?

Show comments