^

Pang Movies

Seksing aktres, poot na poot sa pagpasok ng isa pang aktres sa kanilang serye

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghihimagsik sa poot ang isang seksing aktres sa pagpasok ng isa ring sexy actress sa ginagawang series ng network. Feeling kasi ng unang aktres, masosolo na niya ang pagiging bidang babae lalo na nga’t hindi pa siya masasabing nagbida na sa isang serye.

Eh hamak na mas maganda at challenging ang role ng sexy actress 2 kesa sa una. Kaya kung taas-taasan ng kilay ang bagong pasok na aktres ay ganun na lang!

Dedma na lang si sexy actress 2 sa poot ng isa kasi naman mas may pruweba na siya bilang lead actress kumpara sa isa ’no?

Korina sinagot ang down payment sa bahay ng staff!

Natikman ng staff ni Korina Sanchez ang pagiging galante nitong boss kasi naman siya ang magbabayad sa down payment ng mga bahay na kukunin niya para sa staff niya.

Nung isang taon kasi may mga tumanggi sa pasa­bog niya. Mas ginusto ng ilang staff ng mga gamit sa bahay.

Pero ngayon wala ng choice ang staff kundi sumunod sa gusto ni Boss Korina, huh!

Christian palalawakin ang pangalan sa Eat Bulaga

Walang pagseselos sa girlfriend ni Christian Bautista kung maging sweet muli sa isa’t isa ang singer sa dating dyowa at singing partner na si Rachelle Ann Go.

Naka-duet kasi ni Christian si Rachelle Ann last Sunday sa welcome party niya sa Party Pilipinas. Marami ang kinilig lalo na’t matagal din silang hindi nagsama.

Ngayong Kapuso artist na, gusto rin ng balladeer na maging bahagi ng Eat Bulaga upang lumawak ang pangalan niya lalo na’t naging guest na siya sa Eat Bulaga Indonesia.

 

vuukle comment

BOSS KORINA

CHRISTIAN BAUTISTA

EAT BULAGA

EAT BULAGA INDONESIA

KORINA SANCHEZ

NGAYONG KAPUSO

PARTY PILIPINAS

RACHELLE ANN

RACHELLE ANN GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with