Kakandidato nga, Kris mag-aaral ng governance and law pagbalik galing Europe, susunod sa yapak ni Gov. Vi
Wait a minute, nagsalita si Kris na binabalak niya na mag-aral ng governance and law kapag bumalik siya mula sa Europe trip nila ng kanyang mga anak.
Ito na kaya ang sign na talagang papasok na rin si Kris sa pulitika at susundan niya ang yapak ni Batangas Governor Vilma Santos na nagtagumpay sa mundo ng showbiz at public service?
Jolo tsinugi agad sa Little Champ
Tsinugi agad ang karakter ni Jolo Revilla sa Little Champ. Sandali lang napanood si Jolo sa early primetime show ng ABS-CBN dahil kumakandidato nga siya sa lalawigan ng Cavite bilang bise gobernador.
Hindi puwedeng mapanood nang matagal si Jolo sa TV dahil sa March 29 ang umpisa ng kampanya pero Biyernes Santo ang nasaÂbing petsa kaya magsisimula sa Lunes, April 1, ang pangangampanya niya.
Heart idinadaan sa mataimtim na dasal ang solusyon sa kanyang mga problema
Hindi ko pinanood ang pag-iyak ni Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo dahil nag-concentrate ako kay Heart Evangelista na crying lady din ang peg sa live guesting niya sa H.O.T. TV.
Napanood ko na ang pag-iyak ni Kris sa TV Patrol samantalang first time ni Heart na magsalita sa TV, ilang araw pagkatapos ng presscon na ipinatawag ng kanyang mga magulang.
Nagpainterbyu si Kris sa Ninoy Aquino International Airport sa ABS-CBN at GMA 7. True kaya ang tsismis na nagtatampo ang TV5 dahil naitsa-puwera sila?
Anyway, marami ang naiyak sa interbyu ni Raymond Gutierrez kay Heart na parang ikakasal sa kanyang white lace dress.
Naka-relate sa mga kuwento ni Heart ang mga katulad niya na tutol ang mga maÂgulang sa kanilang mga karelasyon. NgaÂyon ko lang nalaman mula kay Mrs. Cecile Ongpauco na merong You and Me Against the World Syndrome ang kanyang anak.
Idinadaan ni Heart sa taimtim na pagdarasal ang mga solusyon sa kanyang problema na hindi naman mabigat dahil mas matindi ang pinagdaraanan ng mga tao na hirap sa buhay, walang makain, at may mga karamdaman.
“I honestly don’t know how it will end, and all I know is, I will do what’s right and what’s in my heart. I will pray a lot. Powerful naman ang prayers ’di ba? And maybe in time, it’ll end, but I will just continue to do I think is right. Basta wala akong nasasaktan at wala akong natatapakan. Itutuloy ko kung ano ang sa tingin ko ang tama at magpapasaya sa’kin at magpapasaya sa iba, “ ang sey ni Heart.
“That’s a lie “ ang reaksiyon ni Heart sa bintang ng kanyang mother dear na lasenggero si Papa Chiz pero binawi niya ang kanyang sinabi para hindi mainsulto si Mrs. Ongpauco.
- Latest