I-Witness tutuklasin ang kuwento ng napabayaang Sitio Coto

MANILA, Philippines - lang oras lang mula sa pamosong Subic town sa Zambales, bibisitahin ni Howie Severino ang isang maliit na bayan na naging laman ng malaking balita kamakailan. Matatagpuan sa bayan ng Masinloc ang Panatag Shoal, o Bajo de Masinloc na pinag-aagawan ngayon ng Pilipinas at China.

Isang taon matapos magsimula ang away tungkol sa territorial claim, matutuklasan ni Howie Severino na nasa gitna ng sangandaan ang Masinloc. Hinaharap nito ang iba’t ibang pagkakataon para kumita at umunlad, na maaaring makabuti o makasira sa maliit na bayan.  

Mula sa marine sanctuary ng Masinloc, babagtasin ng TV host ang baku-bakong daan tungo sa isang inabandonang Sitio na nasa gitna ng kabundukan. 

Tila isang ghost town ang Sitio Coto pero may mangilan-ngilan pa ring nakatira rito. May natatanging problema ang mga taga-Coto dahil nakaupo sila sa isang minahan na ngayon ay pinag-aawayan.

Samahan si Howie Severino sa kanyang paglalakbay para tuklasin ang mga kuwento ng isang Bayan sa Gitna ng Sangandaan. Ngayong gabi, Marso 25, sa I-Witness pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

 

Show comments