^

Pang Movies

Komedyana hindi na makasabay sa mga bagong sulpot na kasamahan!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Mapag-iiwanan na ang komedyana ng mga mas batang kasama sa isang gag show kung hindi niya maiiba ang sarili sa istilo ng pagpapatawa. Hindi na kasi nakakatawa kung minsan ang atake niya maliban na lang kung ang eksena ay may ginagaya at nakakapag-costume siya.

Nakakaasiwa kapag ‘yung natural niya ang lumalabas. Kadalasan ay ngumingiwi lang siya at pinalalaki ang mga mata. Hindi na siya makasabay sa punchline ng mga kasamahan na mga bago ang binabato. Luma ‘yung sundot niya.

Buking din ang komedyana ng mga nakakapanood na simpleng linya lang ay ilang beses niyang inulit dahil hindi matandaan ang nasa script. Parang pumupurol na siya sa pagpapatawa. Mabuti at hindi uso ang pinapa-graduate sa show nila kahit tambak na ang cast at may mga pumapasok pang mga amateur.

Jingle ng Solaire, sikat na sikat na

May mga reaksiyon sa TV commercial ng bagong bukas na Solaire Resort & Casino sa Parañaque City. Marami ang nahirapang hulaan nung una kung ano ang ina-advertise na produkto. Hindi naman kasi mukhang resort ang ipinakita, walang bakas ng entertainment, at lalong walang pasugalan.

Sabi ng iba, parang insurance company ang dating ng TV ad. Ang akala naman ng iba ay bagong anunsiyo ng isang telecommunication company dahil sa “maaraw” na background. Mukha ring real estate na mapagkakamalang condominium ang binebenta ng komersiyal.

Pero kahit na nakakalito at parang binitin talaga ang Solaire TV ad nung una, ngayon ay halos alam na ng mga tao ito dahil sa paulit-ulit na jingle nito na may “brighter than the sun.” Bawing-bawi na sila sa malakas na recall ng jingle. Pero makakuha kaya ang mega casino na Solaire ng maraming bisita at kakabog na kumpetensiya sa Macau at Singapore? Una pa lang ang kumpanya ng bilyonaryong si Enrique Razon, Jr. sa apat na nakakontratang itayo sa tinatawag na Entertainment City ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). 

Nina pinaiiral ang pagiging mahiyain sa pagho-host

Hindi sanay si Nina bilang isa sa mga nagho-host ng TV show kahit sabi­hing hindi naman talaga siya itinotoka na magsalita nang magsalita dahil singer naman siya.

Kaya lang ay nahahalata na nahihiya siya o kimi dahil maingat ang kanyang kilos sa Wowowillie. Sana ay mabawasan ng kaunti dahil entertainer din naman siya at maganda naman ang kabatuhan niya sa isang segment bago bumanat ng kanta -- si Ate Gay.

Si Nina ang ipinalit sa tsinuging singer-comedienne na si Ethel Booba. Hindi inaasahan sa kanya ang magpakuwela pero ang makabirit ng todo ay isang malaking oo. Isipin na lang niya na parang nasa mini-concert siya sa tanghali.

ATE GAY

ENRIQUE RAZON

ENTERTAINMENT CITY

ETHEL BOOBA

NINA

SIYA

SOLAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with