Bikini contest sa Bora bawal ngayong Mahal Na Araw, ikukulong ang mahuhuli

Ipinagbawal na ng mga kinauukulan ang pagtatanghal ng mga bikini open contest sa mga lugar na dinarayo ng maraming turista at tao tuwing Holy Week tulad ng Boracay.

Ang babala ng mga alagad ng batas, patitigilin nila ang ganitong mga palabas kapag hindi nagpasa­way. Kakasuhan pa ang mga taong mahuhuling nakabuyangyang ang mga katawan sa publiko.

Kaya naman na-advance na sa Boracay ang isang bikini show last Friday. Hindi sa gusto nilang ipa­­ngilin ang Holy Week. Takot silang mahuli at ma­is­kandalo. Marami pa namang mga sexy starlet ang kasali.

Sana naalala natin ang nangyari sa Baguio City. Maraming Holy Week ang hindi nila ipinangilin. Du­mating ang isang malakas na lindol at maraming hotels at buildings ang nagiba. Maraming casualties. Nagkataon lang?

Huwag naman sanang lumusob ang ga-building na mga tidal wave sa mga pasaway sa Boracay na hin­di iginagalang ang mga Mahal na Araw. May 365 days sa loob ng isang taon na puwede nilang pagpi­liang mag-bikini open. Matuto sana silang ipangilin ang paggunita sa Mahal na Pasyon ng Panginoong Hesukristo.

Pinoy actor nakuha ang lead role sa Paper Dolls sa London

Isang Pinoy actor ang napiling gumanap ng lead role tungkol sa mga crossdressing na mga kababa­yan nating caregiver, Paper Dolls, na nag-world pre­­miere na sa The Tricycle Theater, London, En­­g­­land. Si Angelo Paragoso ay nag-debut sa Reper­tory version ng The King and I as Prince Chulalangkor.

Naging dancer din siya sa Philippine Ballet Thea­ter at Powerdance. Ginamitan ng mga bagong sward speak ang play na uso ngayon sa Manila kaya maraming gay Pinoy ang nag-contribute ng kanilang mga nalalaman.

Pinapalabas pa sa Tricycle Theater ang Paper Dolls, hanggang April 13.

Himala musical palabas uli sa PETA Theater

Palabas muli sa PETA Theater ang Himala, The Musical, na unang tinanghal noong 2003, with Ricky Lee writing the libretto and Vince de Jesus for the music.

Meron pang last performance ang musical version ng pelikula ni Ishmael Bernal, this Sunday, sa PETA Theater.

Mga pelikula ng mga Santo at Santa maraming naghahanap

Nagpahanap pa rin si Virgilio Gonzales ng mga pelikula ng mga Santo’t Santa this Holy Week. Nagrereklamo siya na ang huli niyang napanood ay tungkol kay Santa (Sister) Faustina (Donita Rose played the title role) ng Poland. Siya ang nagsimula ng debosyon sa Lord of Divine Mercy na popular na ngayon sa buong mundo.

Kapag canonized na si Mother Ignacia, na founder ng RVM sisters, magandang gawing pelikula ang kanyang buhay. Hintayin mo na lang, Vir.

Naipangako namin ang sharing ng isa sa three little miracles na nangyari two Sundays ago, noong March 10.

‘Himala’

That was the PMPC Star Awards for Movies na inisip kong ma­buti kung dadalo kami kasi P1,000 na lang ang laman ng wallet ko, na hiningi ko pang cash advance sa PMPC president na si Fernan de Guzman.

Kung pupunta sa affair ay at least P500 ang roundtrip sa taxi, kaya kalahati na lang ng pera ang matitira. Matagal pa ang a-kinse o payday, kahit may pakiramdam akong magkakapera that Tuesday.

Kaya ako nagpasyang pumunta sa awards night, may nagbulong at the back of my mind, na magkakapera ako roon.

Doon sa venue, madalas akong pumunta sa backstage dahil nandoon ang malapit na toilet na dressing room. Minsan nandoon ako sa likod ng malalaking telon, nagkita kami ng isang kaibigan. Wala pang one minute ang aming usapan at tumawa siya nang tumawa.

‘‘You made my day,’’ sabi niya sa akin sabay na mabilis inilagay ang pera sa loob ng aking bulsa.

Matagal na akong nakabalik sa aking upuan nang tingnan ko ang inilagay niya sa aking bulsa. At oo nga may ‘himala.’

Show comments