Lucy pinatalsik ng Supreme Court bilang kongresista
MANILA, Philippines - Pinatalsik ng Supreme Court ang artistang si Lucy Torres-Gomez bilang kinatawan ng Ormoc City.
Sa botong 7-4-4, sinabi ng SC na hindi valid ang pagÂhalili ni Torres sa asawa nitong si Richard Gomez sa nakalipas na Mayo 2010 elections.
Bumoto ang pitong mahistrado pabor sa pagpapawalang-bisa ng pagka-kongresista ni Rep. Lucy, apat ang kumontra habang apat din ang nag-abstain.
Sina Associate Justices Estela Perlas-Bernabe, Antonio Carpio, Martin Villarama, Jose Perez, Bienvenido Reyes, at Marvic Leonen ay bumoto pabor sa pagpapawalang bisa ng pagkakongresista ni Lucy habang kumontra naman sina Teresita Leonardo de Castro, Mariano del Castillo, Roberto Abad, at Jose Mendoza.
Nag-abstain naman sina Presbitero Velasco, Arturo Brion, Lucas Bersamin, at Diosdado Peralta dahil ang mga ito ay miyembro ng House of Representative Electoral Tribunal-Associate Justices.
Ayon sa SC, hindi kuwalipikado si Richard na tumakbo bilang Kongresista matapos itong mabigo sa kanyang residency requirement.
“Thus, absent valid substitution, Ms. Torres-Gomez could not have been considered a candidate,†ayon sa SC.
- Latest