Dahil kay Isabel John magiging kapuso na?

MANILA, Philippines - No problem naman pala sa GMA Network kung binibisita ng taga-ibang network ang kanilang talents.

Kung noon ay maluwag na nasusundo ni Luis Man­zano ang nililigawan pa lamang si Jennylyn Mer­cado sa Sunday talk show nitong Showbiz Central, parang naging daan pa ito para minsang nakapag-guest si Luis sa show matapos na mag-guest naman sa show ni Luis na Kapamilya Deal or No Deal si Jennylyn.

Last Sunday, nakita si John Prats sa dressing room ng nililigawan na si Isabel Oli, na isa sa regular hosts ng Party Pilipinas. Kaya hindi kataka-taka kung minsan kaya ay makikita na ring mag-guest si John sa GMA 7?  Totoo kayang high school crush niya si John, hindi pa siya nag-aartista noon. On John’s part naman, mukhang naging bridge niya kay Isabel ang sister niyang si Camille Prats na tanggap na tanggap si Isabel para maging ate niya. 

John Lloyd nagpa-confuse,hindi nagpaliwanag nang umiyak!

Medyo confused ang entertainment press na dumalo sa grand presscon ng It Takes a Man and a Woman sa pagiging senti ni John Lloyd Cruz, at later si Sarah Geronimo na rin pero walang explanation mula sa kanila. Nadala kaya ang emosyon ng dalawa na iyon na talaga ang huli nilang pagtatambal? 

Pero may pambawi naman ang dalawa dahil ayon kay Direk Cathy Garcia-Molina, wedding scene ang ending ng movie na nag-location pa sila sa New York at puwede ba namang may wedding scene na walang kiss the bride? So, dito na excited ang mga manonood simula sa March 30, sa Black Saturday, kung after ng dalawang pelikula na pinagsamahan nina JLC at Sarah, ang A Very Special Love in 2008 at You Changed My Life in 2009 na naging blockbusters, at na-proclaim pa silang Box-Office King & Queen mula sa Guil­lermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, siguro raw namang after four years, magkakaroon na sila ng kissing scene.

 Naalaala namin si Sarah noong thanksgiving Christmas party niya for the press, sinabi niyang ready na naman siya kung talagang kailangan. Hindi na nga naman siya bata at 25 years old kung talagang magkakaroon sila ng kissing scene. 

Kaya may nagsasabing ang It Takes a Man and a Woman ang magiging first blockbuster movie this year.

Show comments