Rita napundi, nag-walkout sa gigil kay Alice!

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng tensiyon sa isang taping ng Ne­ver Say Goodbye last week nang mag-walk out si Rita Avila. Napundi na sa kahihintay ang aktres sa co-star niyang si Alice Dixson kaya nilayasan niya ang taping!

Imagine nga naman, ang aga raw ni Rita sa set at ayos na ayos na nang dumating. Eh ganyan naman si Rita, always professional at preparado parati ’pag dumara­ting sa trabaho.

Pero naubos na ang pasensiya niya that time kaya hindi na niya napigilang mabuwisit!

Ang dinig nga namin, insecure si Alice sa mas magandang role ni Rita sa series. Eh sinunod kasi ng production ng request ni Rita na bigyan siya ng stylist at kunin ang makeup artist na gusto. Para naman ma­ging believable ang character niyang maldita.

Ethel pinaglalaruan na lang ang sinapit kay Willie

Nagagawa nang paglaruan ni Ethel Booba ang nangyari sa kanila ni Willie Revillame gaya nang mag-show ito sa Klownz sa Quezon City last Saturday. Eh, katuwang pa niya si Ate Gay sa batuhan nila ng linya sa show kaya naman hagalpakan ang mga taong nanood sa kanila.

Eh nang magkaroon ng audience participation, ’yung napiling winner ng tao ay kunwari binibig­yan nila ng jacket. Looks familiar nga naman ’yung eksena kaya waging-wagi si Ethel sa pasabog niyang ’yon!

Sa totoo lang, nagkaroon ng renewed interest ang tao ngayon kay Ethel at kahit lumalabas ang moment niyang lukring ay may mga nagkakagusto pa rin kay Ethel!

Sen. Loren inililibot sa probinsiya ang Thy Womb

Inililibot ni Senator Loren Legarda sa probinsiya ang special screen­ing ng Thy Womb ni Direk Brillante Mendoza upang pala­wigin ang kaalaman ng Pilipino ang kultura ng Badjao pati na ang ganda ng pelikula.

Bilib na bilib kasi ang senadora sa galing ni Brillante kaya naman nung mag-team up sila sa isang documentary, laking gulat niya na ang mismong best director ng Cannes Film Festival ang siya ring director of photography.

Ginawa nila ang docu na Buhos at ngayon, ang bagong docu na Ligtas tungkol sa disaster risk reduction ang pinagsasamahan nila.

Bukod sa special screening ng Thy Womb, kasali rin sa Hong Kong International Film Festival ang Nora Aunor-starrer. Ipinalalabas din ito sa Czech Republic, Poland, at next week ay isang premiere ang gaganapin sa Munich, Germany. Hanggang December ay may mga schedule na ng Thy Womb.

 

Show comments