Isa ang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa mga nalungkot at nagulat nang malaman niyang pumanaw na ang film director na si Danny Zialcita. Isang beses lang nakatrabaho ni Jaclyn si Direk Danny at ito ay sa huling pelikula nito noong 1995 na Paano ang Ngayon Kung Wala ang Kahapon. Pero natatandaan pa niya ang kakaibang paraan ng pagdirek ng yumaong direktor. Pati na ang kilometric dialogue na on the spot ay pinapa-memorize sa kanyang mga artista.
“Nawindang ako kasi ang haba nung binigay niyang dialogue sa akin. Pero sinikap kong ma-memorize iyon kasi unang pagkakataon kong makakatrabaho si Danny Zialcita. Hindi ko alam na una’t huli na pala iyon.
“Fan ako ng mga pelikula niya kasi ang gaganda saka tumatatak ang mga linya ng mga character. Ngayon, si Andi (Eigenmann), she’s doing an updated version of Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi for Viva Films,†sabi ng aktres.
Masuwerte si Jaclyn dahil ang ibang yumaong mahuhusay na direktor kamakailan tulad nina Celso Ad Castillo at Marilou Diaz-Abaya ay nakatrabaho niya.
“Tig-isang movie lang ang nagawa ko with Direk Celso (666) at kay Direk Marilou (May Nagmamahal Sa ‘Yo). Kahit paano ay naramdaman ko ang pagiging artist nila. Iba-iba ang mga style nila.
“Nanghinayang lang ako na hindi ko nakatrabaho kahit sa isang movie si Direk Mario O’Hara. Meron dapat kaming gagawin pero hindi natuloy. Hanggang sa pumanaw na siya, hindi ko na-experience na madirek niya,†pahayag ni Jaclyn.
Anyway, balik nga sa GMA 7 si Jaclyn pagkatapos ng higit na apat na taon.
Say niya, “Nagkasunud-sunod kasi ang mga ginawa ko sa ABS-CBN. ’Tapos nag-TV5 pa ako. Kaya nauunahan parati ang GMA 7. Pero this time, nauna na sila at maganda ang role ko sa Mundo Mo’y Akin. This time ay yaman-yamanan ang role ko bilang si Donya Charito.
“At happy ako na si Direk Andoy Ranay ang may hawak ng series. Barkada ko ’yan si Andoy from way back pa. First time niya akong ididirek kaya masaya.â€
Drama actress na-trauma sa driver na biglang lumayas sa gitna ng daan
Hindi pala basta-basta kumukuha ng driver ang drama actress dahil nagkaroon ito ng trauma sa dating naging driver niya noong teen actress pa lang. Hindi niya makalimutan na biglang nag-walkout lang ang kanyang driver sa Guadalupe, EDSA. Itinigil ang van niya sa gilid ng tulay sa Guadalupe at nilayasan siya.
Naiwan si drama actress at ang kanyang yaya at pareho silang hindi marunong mag-drive. Mabuti na lang at may cell phone na siya noong panahon iyon kaya natawagan niya ang kanyang ama at nagpasundo para matulungan sila.
Since then ay nagpaturo na si drama actress na magmaneho ng sasakyan dahil ayaw na niyang maranasan ulit ang maghintay ng mahabang oras dahil hindi niya alam kung paano paandarin ang sasakyan.
Pagkatapos nga ng maraming taon ay inamin din naman ng drama actress kung bakit siya nilayasan ng kanyang driver. Kasalanan pala niya dahil hindi niya napigilang mapag-initan ang tsuper dahil nag-away sila ng kanyang boyfriend na isang teen star na tulad niya.
Nakipag-break daw kasi ito sa kanya sa pamamagitan lang nang pagpadala ng message sa kanyang pager. Kaya buong araw ay mainit ang ulo niya at napagbuntunan niya ang kanyang driver.
Pero hindi pa rin nawala ang trauma ni drama actress kaya maingat siya sa pagkuha ng driver. At iniiwasan din niya na ma-stress dahil ayaw niyang may mapag-initan ulit siya at layasan ng driver. Pero kung mangyari man uli iyon, marunong na siyang magmaneho.