^

Pang Movies

Kahit may pinagdaanan Derek idinenay na naninira sa ABS-CBN

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakausap namin sa JLD Talent Management thanksgiving for the press ang isa sa mga talent ni Jojie Dingcong na si Derek Ramsay at isa sa nili­naw ng entertainment press sa kanya ay tungkol sa lumabas recently na narinig siya sa isang bar na bina-bad-mouth ang ABS-CBN network na dati niyang pinanggalingan.

“Why is this a never-ending issue? Yeah, I heard that. Bina-bad mouth ko raw ang ABS-CBN.  That’s not true. I al­ways respect ABS-CBN. May pinag­daanan ka­mi na tapos na, I hope. I ne­ver bad-mouthed them to press, to friends, even though marami kaming pinag­daanan but I answered with a quick ‘no’ on Twitter (when I was asked) kung totoo bang bina-bad mouth ko ang ABS-CBN.

“I did meet some ABS-CBN employees, baka roon nanggaling. They asked me if I was happy with TV5 and I said I’m happy, I’ve never been this happy. They asked me if I made the right move and I said yes, I believe I made the right move and it was not bad-mouthing, I’m just being honest. I’m very happy and TV5 is taking care of me,” diretsong sabi ng hunk actor.

Hindi naman siya naghihinalang galing sa ABS-CBN ang issue but as far as he’s concerned ay na­ging maayos ang lahat sa kanyang paglipat at hindi niya alam kung bakit pinalalabas na may away sila ng Kapamilya Network.

Samantala, natutuwang ibinalita ni Derek na from 12 weeks ay na-extend to 16 weeks ang Kidlat na fantaserye niya sa TV5. Maaari nga humaba pa ito dahil nga sa maganda ang feedback ng serye sa manonood.

Matteo umamin na sa relasyon kay Jessy, masaya para kay Maja

“Hindi pa kami,” ang sagot ni Matteo Guidicelli nang matanong din namin sa JLD Talent Management kung sila na ni Jessy Mendiola na leading lady niya sa afternoon series na Precious Hearts Romances Present Paraiso at siyang nali-link sa kanya ngayon.

When asked why, say niya, “Dahil marami pang trabaho. Kailangan munang mag-concentrate sa trabaho, sa sports, sa triathlon, at wala munang time para mag-girlfriend. Pero lagi lang akong nandiyan para kay Jessy.”

Aminado naman ang young actor na special sa kanya si Jessy at sobrang close talaga nila ngayon. Hindi rin niya itinatanggi na may attraction talaga sa kanya ang ka-love team.

So, ’yun na rin ’yun, ’di ba?

“I guess, Jessy and I have an understanding together. Kapag nasa set kami, sobrang alam namin eh. Hindi na naman kailangang pag-usapan ’yun eh. Automatic na ’yun para sa amin,” sabi niya.

So, may mutual understanding sila or MU na?

“We have an understanding together. Hindi ko sasabihing MU. Basta may understanding kami na close kami at automatic na ‘yun para sa aming dalawa,” sagot ng Fil-Italian.

Kelan pa nag-start ang understanding nila?

“Ah nung nag-start kami sa Paraiso kasi two weeks kami sa isla, palagi kaming magkasama araw-araw,” sabi ni Matteo. “Ngayon naman halos araw-araw ang taping namin, so talagang close kami ngayon.”

Are they dating?

“We go out pero ngayon walang time eh dahil araw-araw taping namin. Pero kumbaga, noong Valentine, pumunta kami sa concert nina Mr. Martin Nievera, nanood kami ng Foursome,” pag-amin niya.

Samantala, siyempre hindi maiwasang mahingian ng komento si Matteo tungkol sa relasyong Maja Salvador na ex-girlfriend niya at ni Gerald Anderson.

“Wala, basta masaya lang silang dalawa. Ayos lang ‘yun. Masaya ako para kay Maja na sobrang masaya siya ngayon. Nakikita ko sa mga picture. So, masaya ako na masaya siya,” he said.

Hindi na raw sila nagkakausap ni Maja dahil pareho silang busy.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

GERALD ANDERSON

JESSY

KAMI

MAJA

MATTEO

NIYA

TALENT MANAGEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with