MANILA, Philippines - Pag-aagawan si Edward Mendez nina AiAi delas Alas at Marian Rivera dahil siya ang masuwerteng kinuha ng dalawa sa prinodyus na movie na Kung Fu Divas. Hindi man nagbigay ng detalye ang aktor na na-link kay Dr. Vicki Belo, masaya siya sa biggest break na dumating sa career niya bilang artista.
“Sobrang…I feel blessed! Kasi si AiAi naka-work ko siya sa Pinay Pie ten years ago. Nakakatawa kasi ten years later, siya uli ang katrabaho ko. Boyfriend niya ako. May konting romantic link din sa movie na ’yon. To both of them, ako. I can’t say anymore kasi hindi pa puwede,†pahayag ni Edward na isa sa artists ni Jojie Dingcong na dumalo sa thanksgiÂving lunch ng manager sa media.
Kumusta naman si Marian?
“Okay naman. Marian is like AiAi. She’s fun to work with. Saka she’s very loose sa set. Ibig sabihin, she really likes to laugh a lot, jokes a lot. Pagdating sa set, full professionalism, in and out,†saad ng baguhang aktor.
Hindi ba siya natakot sa dalawa?
“Hindi naman. They made me feel welcome sa production kaya nawala ang takot ko saka kaba,†rason niya.
Magpapaseksi ba siya sa pelikula?
“Let’s say I play a character na may tanggalan ng garments. Pero wholesome pa rin. Hahaha! It’s a very big project because they are using a Hollywood technology,†sagot ni Edward.
Ilan pa sa dumalo sa thanksgiving na sinamahan ng raffle ni Jojie ay sina Matteo Guidicelli, Paolo Ballesteros, John James Uy, Gerard Sison, Alexander Diaz, isang konsehal mula sa Bacolod, Bianca Manalo, at Cristalle Belo.
Jose at Wally natatakot sa ikalawang concert
Mas maraming dugo, pawis, at dasal ang ginagawa ngayon nina Jose Manalo at Wally Bayola kaugnay ng second major concert nila this Friday, March 15, sa Smart Araneta Coliseum, ang Jose & Wally Concert A Party For Juan And All.
“Mas nakakatakot pala ’yung pangalawa. Kaya naman doble, triple na ang rehearsals namin. Hindi na nga halos kami aalis ng stage. Kung umalis man kami, sanÂdali lang ’yon dahil ’yung dressing room naÂmin nasa likod na ng stage,†pahayag ni Jose sa presscon ng concert.
Gaya ni Jose, halos buong oras na nila ay sa rehearsal ginugugol. ’Yun nga lang maging sila ay hindi alam ang gaÂgawin ng mga guest sa concert. PanguÂngunahan ni Vic Sotto ang lineup ng perÂformers. Sasamahan siya nina Gary VaÂlenciano, Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, Jericho Rosales, Pokwang, Bamboo, at Ryzza Mae Dizon.