^

Pang Movies

Dahil sa ginamit na photo ng drama actor, male celebrity inaalipusta ngayon!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagsisisi ang drama actor sa pag-post ng picture ng isang male celebrity sa kanyang Instagram account dahil puro negative ang naging comment. Kung hindi raw inaalipusta ang katabaan ngayon, ’yung pagiging ham actor naman ang target ng mga nagko-comment.

Kaya walang choice ang drama actor kundi i-delete na ang picture ng male celeb dahil baka humaba pa ang mga hindi magandang comment dito at siya pa ang masisi kung bakit nakitang mataba ito ngayon.

Pero meron na kasing nakapag-download ng photo ng male celebrity at nagiging tampulan na ng lait sa isang blog site. Wala nang dating ang male celebrity kaya tumigil na raw ito.

Wish lang ng drama actor na hindi siya masita ni male celeb dahil wala naman siyang masamang intensiyon noong i-post niya ang photo nito sa kanyang Instagram.

Hindi naman niya alam na maraming palang ha­ters ang male celeb.

Pakiusap na lang ng drama actor na tigilan na sana ang pang-ookray ng marami sa male celebrity dahil gusto na nga nitong ayusin ang sarili niya.

Docu-film ng Journey pinuri ng US film critics

Nabigyan ng magandang review ang documentary film na Don’t Stop Believin’: Everyman’s Journey na tungkol sa pagsikat ng lead vocalist ng bandang Journey, ang Pinoy na si Arnel Pineda.

Pinalabas kasi ito sa Tribeca Film Festival in New York last year at ngayon ay palabas ito sa limited theaters and art houses sa US.

Ayon sa isang film critic sa US, tinawag niya na isang “charming new documentary detailing Arnel Pineda’s too-amazing-to-be-real musical fairy tale” ang docu-film.

Ipinakita ang struggling years ni Pineda bilang isang band member bago nga mai-upload sa YouTube noong 2007 ang kanyang pag-awit ng Faithfully ng bandang Journey.

Noong mapanood ito ng founding member at guitarist ng Journey na si Neal Schon, nagpadala ng e-mail kay Pineda at tinatanong niya kung interesado ba ito na kumanta para sa Journey band?

“I thought it was a scam,” say pa ni Pineda na kaka-turn 40 lang noong mga panahon na iyon.

“Where I come from, it would be crazy to just believe an e-mail like that … but my friend, the one who uploaded my live video performances on YouTube, he was pretty persistent. He was [certain] that the e-mail was for real.”

Noong mag-reply si Pineda at ibigay ang mga contact number niya, agad siyang tinawagan at si Neal Schon nga ang nasa kabilang linya.

Nasabi nga ni Neal na matagal na silang naghahanap ng lead singer since 1998 noong mawala na sa kanila ang kanilang original frontman na si Steve Perry.  Kaya sa YouTube ito naghanap ng puwedeng makuhang lead singer at na-amaze ito sa napanood niya kay Pineda.

“I thought, this is too good to be true,” say ni Pineda sa programang USA Today.

“I was afraid at first because I might be compared to Steve Perry. Plus, the fact that I’m so short and so Asian! They taught me how to be brave. How to be confident.”

Ni-recall ni Pineda ang unang big show niya with Journey. Isang concert sa Chile with more than 2,000 fans na naghihintay sa concert venue.

“After peeking out from behind the curtain, I went back to the band and said, ‘Can I just go home? I don’t think I can do this!’ But Neal said, ‘Too late, brother.’” tawa pa ni Pineda.

Nagkaroon ng maraming suporta si Pineda mula sa maraming Asian communities kung saan nag-concert ang Journey.

“I represent the kids in the Philippines. Kids around the world, especially in Third World countries, we have dreams. I’m living my dreams.

“We’re selling hope. Dreams, they do come true. Miracles can overcome misery and hardship,” pagtatapos ni Arnel.

 

ARNEL PINEDA

BUT NEAL

CAN I

JOURNEY

NEAL SCHON

NIYA

PINEDA

STEVE PERRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with