Happy ending o malulungkot ba ang mga tagaÂsubaybay ni Alex (Dingdong Dantes) sa Pahiram ng Sandali (PNS) na nasa last two weeks pang mapapanood sa GMA-7 after ng Indio?
Wala pa kasing masabi si Dingdong sa ending nila dahil may last two taping days pa sila nina Lorna Tolentino, Alessandra de Rossi, Max Collins, Neil Ryan Sese under Maryo J. delos Reyes.
Malapit na ang Holy Week at hindi naman nagkaila si Dingdong na magbabakasyon sila ng girlfriend na si Marian Rivera abroad.
Matatapos na rin kasi ang taping ni Marian ng Temptation of Wife kaya libre na silang umalis.
Pero ngiti lamang ang sagot niya kung kailan at saan sila pupunta dahil wala pa raw silang napag-uusapan.
Basta ang sure lamang, doon na nila isi-celebrate ang panalo nila ni Marian sa 2012 Golden Screen Award last Friday.
Saturday evening kinabukasan, nag-dinner lamang sila ni Marian sa kanilang paboritong Spanish restaurant.
Heart nagsasarili na ng desisyon, ina tameme na
Two years exclusive contract muli ang pinirmahan ni Heart Evangelista sa GMA Network sa harap nina Atty. Felipe L. Gozon, Chairman & CEO; Mr. Jimmy Duavit, President & COO; Atty. Annette Gozon-Abrogar, President, GMA Films; Ms. Lilybeth G. Rasonable, OIC Entertainment TV, at Ms. Cecille Ongpauco, Heart’s mom, with other GMA’s executives.
Nagkatawanan nang tanungin si Heart kung hinÂdi ba nahirapan ang GMA na muli siyang papirmaÂhin ng new contract, hindi raw dahil siya na ang naÂsuÂsunod sa desisyon ngayon na ikinatawa na lang ng mommy niya.
Ayon kay Ms. Rasonable, isang primetime soap ang susunod na gagawin ni Heart.