^

Pang Movies

Dingdong kinontra ang emote ni Gov. ER

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Dingdong Dantes na mas excited siya sa napanalunang award ng girlfriend na si Ma­rian Rivera sa Golden Screen Awards for TV kaysa sa kanyang sariling award.

Si Dingdong ang nanalong Best Reality Competition TV host para sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break at si Marian naman ang hinirang na Best Drama Actress para sa Amaya.

Ito ang first acting award ni Marian kaya say ni Dingdong, masayang-masaya siya para sa kasintahan at siya ang mas na-excite.

“Kasi alam ko kung gaano niya kagusto ‘yun, eh. Gustung-gusto talaga niya (na manalo ng acting award). Tinanong ko nga kung umiyak, eh. Feeling ko nga bibigay, eh,” say ni Dingdong nang makausap namin siya sa farewell prescon ng Pahiram ng Sandali.

Nag-celebrate raw sila ni Marian last Saturday night pero madalian lang daw dahil kailangan niyang matulog ng maaga for Party Pilipinas kinabukasan.

Still on awards, kamakailan ay nagbigay ng pahayag si Laguna Governor ER Ejercito tungkol sa pagkakatalo niya ng dalawang beses sa Metro Manila Film Festival bilang Best Actor at natataon namang si Dingdong ang lagi niyang mahigpit na kalaban at siya ring nananalo – una ay noong 2011 for Dalaw and ito ngang 2012 for One More Try.

Si Gov. ER naman ay Asiong Salonga ang entry noong 2011 at El Presidente naman nitong 2012.

Sa mga pahayag ni Gov ER ay halatang medyo dinadamdam pa rin niya ang pagkakatalo niya at nagkomento na dapat daw ay kumuha ng credible judges ang MMFF committee kaya naman hini­ngan namin ng reaksiyon si Dingdong.

“Alam n’yo, siguro, ang MMFF ang dapat natin din tanungin sa reaksiyon nila diyan. If I were part of the MMFF committee, I will be hurt definitely.

“But I don’t think I’m in a position to say anything because I’m just a recipient of the award. If you ask questions, I think you have to address it straight to them.”

Pero inirerespeto naman daw niya ang damdamin at opinyon ng nakatunggaling aktor/politiko.

“At least, honest siya, ‘di ba? ‘Yun lang naman ‘yun. Siguro, kung ako rin nasa posisyon niya eh hindi rin siguro ako matutuwa totally. But kaya nga, siguro, if there are issues like that, I’m pretty sure, he knows kung sino ang dapat kausapin and then again, that’s his opinion, let’s all respect it,” say ng aktor.

Pero siya, personally, kapag natatalo siya sa award-giving bodies, ano ang nararamdaman niya?

“Ano po, better luck next time. And magandang lesson din para sa akin kapag may nangyayaring ganu’n dahil parang sinasabi rin sa ‘yo na siguro, ‘try harder next time’.

“Pero para sa akin, siguro, maihahambing ko ito du’n sa (best actor) nomination ko sa Asian TV Awards (for Stairway to Heaven). Alam n’yo, ma­talu-manalo, ‘yung the fact na na-nominate ka, hindi po kasi lahat nano-nominate sa rami ng gumagawa ng pelikula, ng TV shows, hindi rin naman po lahat – kaya the fact talaga na mabigyan ka lang ng citation, malaking bagay na sa akin ‘yun,” saad ni Dingdong.

 

ALAM

ASIONG SALONGA

BEST ACTOR

BEST REALITY COMPETITION

BIG ARTISTA BREAK

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with