Gloria Romero hindi sumusuko sa pagod

Gaganapin mamayang gabi sa Teatrino Greenhills, Promenade, San Juan City ang 2012 Golden Screen TV Awards, na magsisimula ng ala- 7:00 ng gabi.

Mga segment hosts sina Arnell Ignacio, Julia Clarete, at Kim Atienza, as the 2012 Golden Screen TV Awards pays tribute sa mga winners sa iba’t ibang categories at sa  four endearing TV icon who are recipients of special awards. Sa Helen Vela Lifetime Achievement Award, ipag­kakaloob ito kina Ms. Nova Villa for Comedy, Ms. Mel Tiangco for News Broadcast at Ms. Gloria Romero for Drama. Sa unang pagkakataon, ipamamahagi na rin ng Golden Screen TV Awards ang Dolphy Lifetime Achievement Award Ulirang Alagad ng Sining na ang first recipient ay si Eddie Garcia.

At 79, excited pa rin pala si Tita Gloria kapag nakakatanggap siya ng nominations mula sa mga award-giving bodies at natutuwa siya dahil kahit daw matanda na siya hindi pa siya nakakalimutan. Kaya naman biro niya, matigas ang ulo niya, ayaw pa rin niyang tumigil sa pagtanggap ng work sa GMA Network.

Hindi ba naman siya nahihirapan sa role niya sa Forever (nang dalawin namin ang taping nila nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann). Masayang-mahirap daw kasi minsan ay malayo ang location pero wala siyang reklamo dahil mababait ang production staff at ginagawang madali ang kanyang trabaho. Hindi pa raw niya alam kung  ano ang ending nila ni Heart sa story.

Nagpasalamat si Tita Glo sa award mula sa Enpress at kung hindi siya makakaalis sa taping mamayang gabi, iri-represent siya ng grandson niyang si Christopher Gutierrez.

Tween star may kakambal na ahas

Kulang na lang sa tween star na si Kim Komatsu na magtatalon sa tuwa nang sabihan siya ng GMA Network na siya naman ang bibigyan ng chance to play a lead role sa bagong afternoon telefantasiya na Kakambal ni Eliana. Bibigyan na rin ng lead roles sina Enzo Pineda at Kristoffer Martin. Big challenge ito kay Kim na gaganap na may kakambal na ahas na lumalabas mula sa kanyang likod kapag nakakaramdam siya ng galit o matinding lungkot.  Gusto ring patunayan ni Kim na hindi siya nameless, na nahagip lamang ng kamera sa mga unang shows na nasamahan until napabilang siya sa cast ng Reel Love Presents Tween Hearts kasama nina Barbie Forteza at Bea Binene.

 

 

Show comments